220 Mag-ina

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi ako sigurado, hindi ko mawari kung ano ang iniisip nila ngayon." Hindi alam ni Huo Zhenghai kung gaano karami sa sinabi niya ang pinaniwalaan nilang mag-ina.

Lumapit si Shen Jiani nang may maamong mga mata, at hinawakan niya ang kamay ni Huo Zhenghai.

"Zhenghai, salamat sa ginagawa mo para sa amin."

"Huwag mong sabihin yan, para ito sa mga anak natin. Nasaan na si Siyi?"

"Naghahanda na siya para sa overseas business trip sa susunod na buwan, nakikita kong pinagbubutihan niya ito." Sinubukan ni Shen Jiani na ipagmalaki ang kakayahan ni Huo Siyi kay Huo Zhenghai.

Tumango si Huo Zhenghai at wala ng sinabi.

Minahal naman niya talaga si Shen Jiani at ang kanilang mga anak.

Kahit na walang pakinabang si Huo Siyi, at masyadong arogante si Huo Yanyan, nakikita niya pa rin ang mga ito bilang anak niya.

Pero, kay Huo Mian, sa totoo lang, lagi siyang may nakakadiring iniisip dahil sa isip niya, galing sa kasalanan si Huo Mian.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter