webnovel

Live like a Man (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 858: Mabuhay Bilang Lalaki (9)

"Pish… Grandpa, military commander ka, bakit sinusubaybayan mo ang entertainment news? Lasing na yata ako."

"Ano ibig sabihin mo sa 'lasing'? 'Di pa nga tayo umiinom, bakit ka malalasing? Kalokohan lang alam mong sabihin."

Halatang hindi alam ng lolo niya ang mga popular na slang, kaya hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Su Yu.

"Dad, nung sinabi niyang lasing, 'di niya ibig sabihin na lasing talaga siya, ibig sabihin wala siyang nasabi," paliwanag ni Mr. Su.

Binigyan agad ng thumbs up ni Su Yu ang tatay niya. "Kita mo, mas matalino tatay ko."

"Shoo, shoo, gusto namin maging seryoso dito. Malapit ka na maging trenta, pero ang kulit mo pa rin araw-araw…" pagalit ni Mr. Su.

Tumawa si Su Yu… 

Tinulungan agad ni Mrs. Su si Su Yu, "Kakabalik mo pa lang, 'di mo dapat pagalitan anak mo. Busy siya sa work recently."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter