Nagdalawang-isip si Huo Mian saglit bago sagutin ang tawag…
"Hello?"
"Mian, nalaman mo na ba ang nangyari sa T City?"
"Oo."
"Pumunta doon si Qin Chu, hindi ba?"
"Ano ba ang gusto mo makuha sa akin?" Medyo nairita si Huo Mian.
"HIndi ako kumukuha ng imporamasyon mula sayo. Ang gusto ko lang sabihin ay kapag may nangyari diyan, ang pagbubukas ng kumpanya sa araw pagkatapos ng kinabukasan ay mabibigo."
"Hindi, nakita ko ang live broadcast at sinabi niya na hindi niya ito ipagliliban."
"Yun ay dahil hindi pa umaatake si Su Yu. Kapag umatake ng malaki si Su Yu, malalagot si Qin Chu."
"Malaking atake ni Su Yu?" Naguluhan si Huo Mian.
"Alam mo ba kung bakit napagdesisyunan ni Qin Chu na magtayo ng kumpanya para sa mga palabas at telebisyon?" Tumawa si Huo Siqian.
Hindi nagsalita si Huo Mian dahil alam naman niya…
Support your favorite authors and translators in webnovel.com