338 Laban sa Pagitan ng Pera at Kapangyarihan (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na hinintay ni Su Yu na magsalita si Huo Mian, liumapit ito, binuksan ang pinto ng kotse niya, at tumingin kay Huo Mian ng may kumplikadong ekspresyon sa kanyang mukha, "Lumabas ka sa kotse mo."

"Para saan?"

"May pag-uusapan tayo," pagmamatigas na sinabi ni Su Yu.

Katulad ng inaasahan kay Young Master Su, siya mismo ang lumapit kay Huo Mian, pero siya pa rin ang nagmamataas.

"Bilisan mo, kailangan ko pa kasi pumasok sa trabaho."

Ayaw ng magtagal ni Huo Mian at umalis sa driver's seat.

Nakasuot siya ng kulay kape na trench coat, navy blue na pencil pants at isang pares ng black heels. Naglalabas siya ng mature at matalinong aura.

Siya ay komportable tingnan...

"Bakit nasa mood ka pa para pumasok sa trabaho? Ganun ka ba kawalang bahala?" Walang masabi si Su Yu.

"Paano mo nasabi na wala akong pakialam?" Ngumiti si Huo Mian, interesante para sa kanya ang mga salita nito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter