171 Karahasan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mian, bakit nandito ka? Hahanapin pa lang sana kita," kakaibang tanong ni Huang Yue.

"Seryosong bagay ito, kaya kailangan ko pumunta."

"Mukhang alam mo na ang nangyari?"

Tumango si Huo Mian….

"Ano nang gagawin natin ngayon, natatakot ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ito ka seryoso. Nasa WeChat friend circle ko ito, at ang mga ilang kaibigan ko ay tinatanong ako tungkol dito. Kahit hindi nakalagay ang pangalan ko doon, natatakot pa rin ako."

Bata pa si Huang Yue, kaya kapag may nangyayaring ganito, mabilis itong kabahan at mataranta.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala dito. Ngayon, ang kailangan ko ay mahanap ang Head Nurse."

"Sasamahan kita. Dito na tayo dumaan sa kabila, huwag na sa harapan."

"Mhm."

Pagkatapos mag-usap, handa na sila Huo Mian at Huang Yue para dumaan sa likod. Nang biglang, may sumigaw.

"Tingnan niyo, nandoon ang nurse."

Bigla nalang silang napalibutan ng madaming tao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter