153 Kabayaran

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mukhang medyo nahiya ang asawa nito at nagmura, "Tigilan mo yang walang kwenta mong sinasabi. Umalis ka na dito at huwag mo na ulit takutin ang asawa ko. Nakakaranas siya ngayon ng malalang side effect, at wala ni isa man sa inyo ang makakatakas sa responsibilidad na ginawa nyo."

"So, gusto mo palakihin at ikalat ito? Tinatakot mo ang ospital para makakuha ng milyones?" Malamig na tugon ni Huo Mian.

"Oo tama ka, palalakihin at ipamamalita namin ito sa buong siyudad."

"Sige, pero huwag kang magsisisi."

"Oo naman, hindi gagana yang pananakot niyo sa amin. Hindi kami takot sa inyo. Intern nurse ka lang ng ilang taon, kaya huwag kang magpanggap na mataas ka at kagalang galang. Hmph, lalabanan kita hanggang sa kamatayan."

"Sige, maghihintay ako." Tinikom ni Huo Mian ang kanyang labi at umalis.

Pagkatapos nitong makaalis sa kwarto, hinigit ng lalaki pababa sa kama ang kanyang asawa at kaagad nito siyang sinampal.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter