37 Istasyon ng Pulis

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 37: Istasyon ng Pulis

"Ah, wala lang, bigla ko lang naalala na may naiwan pa pala akong mga gamit sa bahay natin dati. Pwede mo bang ibigay sakin kung may oras ka."

"Okay, titingnan ko pag nakauwi ako," tumango si Huo Mian at sumagot.

"Pwede bang ibigay mo nalang kay He Man," dagdag ni Ning Zhiyuan para inisin lang siya.

Ngunit, hindi nagulat si Huo Mian sa kanyang narinig. Sa halip, casual siyang sumagot, "Sure."

Pagkatapos, dinaanan lang siya ni Huo Mian.

Bigla naging uncomfortable si Ning Zhiyuan; sinungaling siya kapag sinabi niyang wala na siyang nararamdaman para kay Huo Mian. Pagkatapos ng lahat, matagal din bago niya siya napapayag na maging sila.

Naging sila sa loob ng three years, at lagi niya itong tintrato nang mabuti. Ngayong bigla sila naghiwalay, natural lang sa kanya malungkot.

Naisip niya na nahihirapan din si Huo Mian dahil sila ngayon ni He Man.

Ngunit, kitang-kita na hindi nasasaktan si Huo Mian.

Ibig sabihin ba nito… sa mga taong lumipas, hindi siya talaga minahal nito? Ang tanging minahal niya lang ay ang kanyang ex-boyfriend?

Nawalan ng sigla ang mga mata ni Ning Zhiyuan habang iniisip to.

Pagka-uwi ni Huo Mian pagkatapos magtrabaho, bumili siya ng health supplements para sa kanyang nanay dahil kakauwi lang nito galing ospital. Pero, dahil hindi siya gusto makita ng nanay niya, iniiwan niya lang ang mga gamit at umaalis agad.

Pagkabalik niya sa apartment, nilinis niya ito mabuti at nakita ang mga gamit na naiwan ni Ning Zhiyuan.

Pinagsama niya ang mga gamit at nilagay sa isang lalagyan, plano niya itong dalhin bukas sa trabaho.

Pagod, humiga siya sa kama at ginamit ang phone niya para magtransfer ng funds sa kanyang maxed-out credit card. Buti nalang hindi pa ito overdue, kung hindi, paniguradong tataas ang babayaran niya.

Pagkatapos, nagsend siya ng WeChat message kay Zhu Lingling.

"Andiyan ka ba?"

"Yup."

"Ibigay mo sakin account number mo, babayaran na kita."

"Bakit ka nagmamadali? Hindi ko pa naman kailangan," sagot ni Zhu Lingling.

"Hindi ka man nagmamadali, pero ako, oo. Nakakairita kapag may utang ka sa iba."

"Saan mo nakuha yang pera na yan? Binalik na ba sayo ni Ning Zhiyuan ang share mo sa downpayment?" tanong ni Zhu Lingling.

"Yes," hindi malinaw na sagot ni Huo Mian para maiwasang mag-explain masyado. Ayaw niyang sabihin na yung pera ay reward sa pagiging scrub nurse niya sa surgery ni Qin Chu.

"Hindi na masama. Okay, dahil ganito ka ka-reliable, papahiramin agad kita sa susunod nang walang tanong," sagot ni Zhu Lingling nang may smiley face.

Pagkatapos ma-send ni Zhu Lingling ang kanyang bank account number, nagtransfer agad ng pera si Huo Mian.

Pagkatapos niya mabayaran lahat ng utang niya, may two thousand yuan nalang siyang natitira para sa araw-araw na gastusin. Ngunit, ang gaan ng pakiramdam niya.

Habang nakahiga sa kama, nakinig siya sa piano version ng Pachelbel's Canon, bigla niyang napansin ang ganda ng isang tahimik na buhay.

- Downtown, Criminal Police Department -

"Captain Gao, napasok na namin ang isang brothel kagabi at madami kaming nahuling tao," sabi ng batang police officer.

Tinapik ni Gao Ran ang batang pulis sa balikat at sinabing, "Good job, ang galing niyong lahat."

"Captain Gao, isa sa mga clients natin ay lasing noong nahuli siya. Tinanong namin kung pwede ba niya ibigay ang contact niya para makalaya na siya, pero ayaw niya magsabi ng pangalan. May password din ang phone niya kaya hindi namin ito mabuksan, at ma-contact ang pamilya nito. Ano ang kailangan nating gawin?"

"Hayaan niyo kong tingnan 'to," nagsimulang maglakad si Gao Ran papuntang detention room.

Pagkapasok niya, nakita niya ang isang batang lalaki na may mapupulang pisngi at amoy mo ang alcohol galing dito.

Napakunot ang ulo ni Gao Ran, "Nasaan ang mga gamit niya? Dalhin niyo sa 'kin."

"Ito po, Captain Gao," inabot sa kanya ng maliit na pulis ang isang cellphone.

Napansin ni Gao Ran na ang kailangan nito ay isang fingerprint passcode. Tahimik siyang lumapit sa lasing na lalaki, kinuha ang daliri niya at idiniin sa phone.

Itinaas ng maliit na pulis ang kanyang hinlalaki at sinabing, "Ang captain talaga natin ay mautak."

Nabuksan ni Gao Ran ang phone, kumunot ulit ang noo nito nang makita ang picture ng isang magandang babae sa homescreen.

"… Huo Mian?" sabi ni Gao Ran sa sarili, hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niya.

avataravatar
Next chapter