700 Ibang Klaseng Hamon (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mian… kasalanan ko ito… gusto ko ng seafood at sabi ni Zhixin ay mura ang restaurant na yun… at ang mga alimango nila ay sariwa pero hindi namin inakala na makakasalubong namin si Huo Siyi at ang mga kaibigan niya."

"Huo Siyi…?" Kumunot ang noo ni Huo Mian.

"Oo, sa tingin ko ay napadaan lang si Huo Siyi at ang mga kaibigan niya. Nung nakita nila kami sa labas ng restaurant na pumipili ng seafoodm lumabas sila sa mga kotse nila para pagtripan kami… Tapos, sinimulan ni Huo Siyi na galawin ako. Sa tingin ko ay lasing siya… Pagkatapos, nagalit si Zhixin at napaaway as kanila. Iniwan nila kami pagkatapos nila mabugbog si Zhixin. Itim na Ferrrari ang minamaneho nila at ang plaka nila ay..."

"Kuha ko," hindi na siya pinatapos ni Huo Mian at tumayo.

"Alagaan mo siya. Pagkalabas niya ng emergency room, sabihan mo siya na bumalik munang eskwelahan."

"Paano naman ikaw?" Hindi mapakali si Huang Yue.

"Ayos lang ako, kailangan ko lang ng sariwang hangin."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter