907 I'm Very Disappointed in You (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 907: Sobra Akong Nadismaya sa Iyo (8)

Sinulat ni Su Yu, "Tangang to, alam ko na tapat ka at sinisisi mo ang iyong sarili nang marinig ang nangyari sa akin, kaya binanalaan na kita, huwag kang magsasalita para sa akin sa police bureau. Anak ako ng nakaaangat na pamilya, may mga tao kami sa pamilya na makakapaglabas sa akin sa kaligtasan. Nandito lang ako sa istasyon ng ilang araw, kaya huwag kang tanga… Kung hindi, kapag nakalabas na ako, babalatan kita ng buhay."

Ganoon lang talagang magsalita si Su Yu…

Arogante at nakakatakot… at talagang nakakasindak.

Gayunpaman, mas alam ni Huo Mian na gusto lamang siya nitong protektahan at madawit sa kaso, kaya binalaan niya itong huwag nang magpunta pa.

Mas lalo tuloy hindi mapalagay si Huo Mian…

Hindi siya si Mary Sue; hindi siya makikiramay at susubukang iligtas ang lahat.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter