425 Huwag mo akong Guluhin (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung hindi natin pwedeng gawin ito, hindi ba pwedeng isipin ko nalang ang tungkol dito?" Tumingin si Qin Chu kay Huo Mian gamit ang puppy eyes.

Halos bumigay si Huo Mian…

Buti nalang, malakas siya at kaya niyang ipaglaban ang sarili niya. "Bilisan mo na nga at matulog ka na. Kung hindi, aalis na ako"

Kaagad naman ipinikit ni Qin Chu ang kanyang mga mata at natulog…

Kinaumagahan, tumayo si Huo Mian para bilhan si Qin Chu ng agahan. Papalabas na sana siya ng pinto, nang bigla siyang binati ni Assistant Yang na may dalang maraming papeles.

"Magandang umaga!" Pagkakita sa babae ng president, kaagad siyang binati ni Assistant Yang nang magana.

"Magandang umaga." Tumango si Huo Mian sa kanya. Nung paalis na siya, bigla siyang lumingon pabalik at sumigaw, "Sandali."

"Hm?" Lumingon si Assistant Yang.

"Para kay Qin Chu ba ang mga papeles na yan?"

"Oo, ang mga biglaan na mga dokyumentong ito ay kailangan na magawa."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter