8 Hindi Pagkaka-intindihan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 8: Hindi Pagkaka-intindihan

Napatalikod si Huo Mian dahil sa gulat. Nakita niya ang boyfriend niyang si Ning Zhiyuan sa di kalayuan. Mukhang kakagaling lang nito sa night shift. Dala nito ang mga paboritong meryenda ni Huo Mian, inihaw na mais at malamig na cola.

Biglang napabalik si Huo Mian sa kanyang katinuan. Tinulak niya si Qin Chu palayo at biglang nagpaliwanag,"Zhiyuan, hindi… hindi ito katulad nang nakikita mo. Wag mo sanang masamain. Magpapaliwanag ako, okay?"

"Sige, makikinig ako, magpaliwanag ka na," nakakagulat na kalmado si Ning Zhiyuan habang nakatingin kay Huo Mian. Pagkatapos ay tumingin naman ito kay Qin Chu, na nakatayo sa likod ni Huo Mian. Ang mga mata nito ay mahirap basahin. Sobrang kilala ni Ning Zhiyuan si Huo Mian at alam nito na hindi ito yung taong nagloloko nang walang dahilan. Hindi nga masyadong ginagamit ni Huo Mian ang kanyang WeChat at ang araw-araw na schedule nito ay palaging sa pagitan lang ng bahay at trabaho. Isa siyang tapat na tao kaya paniguradong may rason sa nadatnan niyang sitwasyon.

Bago pa makapag-isip si Huo Mian kung paano ipapaliwang kay Ning Zhiyuan ang lahat, biglang nagsalita si Qin Chu, "Si Huo Mian… ay akin lang."

Pakiramdam ni Huo Mian ay sasabog na ang utak niya sa kanyang narinig.

Hindi niya inakala na may mangyayaring ganitong ka-cliché sa buhay niya. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng universe. Pagkarinig ni Ning Zhiyuan dito, nawala ang mga ningning nito sa mata at napalitan ng malamig na tingin.

"Qin Chu, ano ba yang mga pinagsasasabi mo?" Galit na galit na si Huo Mian.

"Mian, sabihin mo muna sakin. Sino ba siya?" tanong ni Ning Zhiyuan habang nakaturo kay Qin Chu at may matigas na expression sa kanyang mukha.

"Zhiyuan, makinig ka sakin. Isa lang… siyang… high school classmate," halatang nanginginig ang boses ni Huo Mian habang nagsasalita. Kung titingnan, di naman talaga siya nagsisinungaling. Totoo naman na classmate niya si Qin Chu ng tatlong taon dati sa high school.

"Huo Mian, higit pa tayo sa pagiging classmate, di ba? Bakit di mo sabihin sa kanya na naghalikan tayo sa hotel bathroom?" walang-awa na sinabi ni Qin Chu habang nakangisi.

Mas lalong hindi naging kanais-nais ang itsura ni Ning Zhiyuan pagkarinig nito. Pakiramdam niya ay di na niya maramdaman ang kanyang katawan.

"Hindi ko ginawa…" Nahihirapang itama ni Huo Mian ang maling kwento ni Qin Chu.

"Huo Mian, wag ka na magsinungaling. Hindi mo kayang magsinungaling tungkol dito dahil ang amoy ko ay nasa labi mo pa rin," pinadaan ni Qin Chu ang kanyang hintuturo sa labi ni Huo Mian ng may halong malisya.

Pagktapos, tumingin ulit si Qin Chu kay Ning Zhiyuan.

"Ikaw nga ang boyfriend ni Huo Mian pero nakwento na ba niya sayo ang tungkol sa nakaraan niya?" tanong niya.

Nakaraan niya? Nagulat at napa-isip si Ning Zhiyuan. Totoo nga, kailanman ay hindi nito nasabi ang kanyang nakaraan sa kanya. Maliban sa kanyang matalik na kaibigan na si Zhu Lingling, wala ni kahit isang reunion ang pinuntahan nito at di rin naman niya ito tinanong tungkol dito.

"Di mo ba alam? Hindi niya ba nasabi sayo na seven years ago, may lalaki siyang sobrang minahal at ako yun?," sabi ni Qin Chu habang binibigyang-diin ang kanayang bawat salita. Pakiramdam ni Huo Mian ang mga sugat niya galing sa nakaraan na naghilom na ay unti-unti na na namang nagbubukas.

"Huo Mian, sabihin mo nga sakin, totoo ba yung mga sinasabi niya?" ang boses ni Ning Zhiyuan ay wala nang bakas ng emosyon.

avataravatar
Next chapter