340 Hindi ka Mamamatay kung Hindi mo Susuyuin ang Kamatayan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Qin Chu ang summons ng korte ng hindi nagsasalita…

"Hindi ko ito sinasabi sayo dahil nasa malala akong sitwasyon at kailangan ko ng tulong mo. Naisip ko lang na ang sinabi mo nung nakaraan ay tama. Kasal tayo, kaya kailangan natin maging tapat sa isa't isa at bilang asawa ko, tama lang na malaman mo na kinakasuhan ako." Ngumiti nang walang bahala si Huo Mian.

"Ginawa mo ang tama." Tumingin si Qin Chu sa mga mata niya, puno ang mga mata nito ng saya.

"Huh?" Nalito si Huo Mian sa sinabi niya.

"Dapat ganito ka sa hinaharap, ipaalam mo sa akin kaagad kapag may nangyari sayo."

"Okay, nakuha ko."Tumango si Huo Mian.

"Huwag kang mag-alala tungkol dito, ako na ang bahala kaya kumain nalang tayo ng hapunan." Relax ang ekspresyon ni Qin Chu; itinabi niya ang order ng korte at sinalinan ang mangkok ni Huo Mian ng wintermelon soup."

Pagkakita sa kung paano gumalaw si Qin Chu, alam ni Huo Mian na magiging okay din siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter