14 Hayaan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 14: Hayaan

"Yes, Head Nurse."

"Ang sabi ko kumuha ka ng mga surgical masks. Bingi ka na ba?"

"Sige po, kukunin ko na po."

"Mian, anong problema? May bumabagabag ba sayo? Kailangan mo ba magday-off? Feeling ko kasi distracted ka buong araw," nag-aalalang tanong ng bagong nurse, si Huang Ye.

Kahit pagod, umiling lang si Huo Mian.

Wala siyang energy buong araw. Ang malala pa dito, hindi ito dahil sa away nila ni Ning Zhiyuan.

Iniisip niya yung lalaking hindi niya dapat maisip. Nagbalik na ba talaga siya? Yung mga nangyari kagabi, hindi sila panaginip, di ba?

Lutang pa din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Pinalitan niya ng pastel-blue dress ang white niyang nurse's uniform. Pagkakuha ng kanyang bag, lumabas siya.

Saktong pagkalabas niya, nakita niya ang white Chevrolet ni Ning Zhiyuan, nakapark ito sa labas ng entrance.

Kakabili lang niya nito last month at dahil nagpapalano na sila magpakasal, tumulong ang parents ni Ning Zhiyuan sa pagbayad ng sasakyan. Ito, kasama ng mga sweldo niya ay nagkahalaga ng mahigit one thousand Yuan. Mukhang maganda itong imaneho.

0510 ang license plate, birthday ni Ning Zhiyuan. Kaya paniguradong siya ito.

Pumarada ba siya dito para hintayin siya?

Habang papunta si Huo Mian para magtanong, nakita niya si He Man, nakasuot ng miniskirt. Pumunta siya agad sa sasakyan, binuksan agad ang pinto at umupo sa passenger seat.

Pagkatapos, mabilis na umalis ang sasakyan…

Unting-unti nawala ang liwanag sa mga mata ni Huo Mian. Mabagal niyang nilabas ang kanyang cellphone at tumawag.

"Ano yun?" iritang sabi ni Ning Zhiyuan sa kabilang linya.

"Tapos na ba ang shift mo? Kailangan ko ng masasakyan pa-uwi."

"Hindi pa. May isa pa akong surgery at baka mag-overtime rin ako kaya mauna ka nang umuwi. Huwag mo ko tatawagan nang walang dahilan. Bye."

Pagkatapos, binaba ni Ning Zhiyuan ang phone.

Walang buhay na ngumiti si Huo Mian. Alam niya na nagsisinungaling si Ning Zhiyuan at sinusubukan nitong makaganti sa kanya.

Ngunit, sobrang low nang ginawa niya.

Pakiramdam ni Huo Mian yung ordinaryong lalaki na naka-date niya nitong three years ay hindi na rin ordinaryo.

Tumingin siya sa langit. Kulay grey ito, katulad ng mood niya.

Tumatawag si Zhu Lingling…

"Mian, tapos ka na sa trabaho mo?"

"Oo."

"Pumunta ka sa place ko, off ko ngayon at may niluto akong masarap para sayo. Ito ay marinated pork trotters!"

"Buti nalang, gutom pa naman ako. Antayin mo ko ha," pagkababa niya, sumakay siya sa cab at pumunta sa tinutuluyan ni Zhu Lingling.

Nakatira ang mga magulang ni Zhu Lingling sa city outskirts at para mas madali siyang makapunta sa trabaho, nagrent siya ng isang maliit na place malapit sa airport.

Pag may oras siya, pumupunta dito si Huo Mian para kumain. Mukhang maliban sa bahay at ospital, ito lang ang pinupuntahan niya.

Habang nilalagay niya ang pork trotters sa mesa, biglang nagsimulang magtanong si Zhu Lingling bago pa makakain si Huo Mian. Tinatanong niya kung anong mga nangyari kahapon.

Dahil hindi na kaya ni Huo Mian ang pangungulit niya, kinwento niya nang detalyado ang mga nangyari.

Syempre, hindi niya sinama yung iba, katulad nung sapilitang halik. Dinaanan niya lang ito.

"Ayun ang mga nangyari. Welcome ka magcomment, Miss Zhu Lingling."

Tumingin si Huo Mian kay Zhu Lingling gamit ang kanyang malalaking mata at habang nakatikom ang kanyang mga labi. Ito ay cute tingnan.

"Gosh, ang intense naman. So, sa pagkakasabi mo itong si Mr. Maharlikang Qin Chu ay nagpropose sayo kahapon?" gulat na tumingin pabalik si Zhu Lingling sa kanya.

"Girl, please. Hindi ito ang issue dito. Ang issue ay hindi na nagtitiwala sakin si Ning Zhiyuan at gusto niya na rin makipaghiwalay…" reklamo ni Huo Mian.

"Mian, sabihin mo sakin ang totoo. Mahal mo pa din ba si Qin Chu?" seryosong tanong ni Zhu Lingling.

Nanigas si Huo Mian pagkarinig ng tanong…

avataravatar
Next chapter