634 Halatang Pag-aanunsyo ng Relasyon (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ako…?" Bumagsak ang puso ni Huo Mian; hindi siya sigurado sa kung ano ang gusto ni Huo Siqian.

"Ibibigay mo ba ito sa akin o hindi?"

"Paano ko ito ibibigay sayo kung hindi mo man lang sasabihin sa akin kung ano ang gusto mo?"

"Haha… simple lang kasi ang gusto ko lang ay buhok mo..." Inilahad ni Huo Siqian ang kamay niya para hawakan ang ulo ni Huo Mian.

Pero, pabalang niya itong inalis...

"Bakit mo gusto ang buhok ko? Plano mo bang kulamin ako?" Tumingin si Huo Mian sa kanya ng may madilim na ekspresyon.

"Haha… sobrang wild ng imagination mo. Sayang lang at hindi ka nagsusulat ng mga nobela..." sumabog sa kakatawa si Huo Siqian.

Ang tagal na nung huli siyang tumawa ng ganito kasaya…

"Eh bakit gusto mo ang buhok ko?" Para kay Huo Mian, ang paghingi ng buhok sa isang tao ay sobrang weird.

Ang dami na niyang nabasa na mga horror stories at ayaw niyang ibigay sa ibang tao ang buhok niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter