578 Gusto mo Maglaro? Maglaro tayo (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ayoko kay Su Yu."

Sagot ni Qin Chu at binigyang diin nito ang bawat salita.

"Pffff…" Halos mabuga ni Huo Mian ang sabaw sa bibig niya nung narinig niya ang sagot nito.

Akala niya ay sasabihin ni Qin Chu na ang industriyang ito ay may malaki ang kita at may mga magagandang benepisyo o kung ano pa man.

Pero, nagulat siya nung pinakita ni Qin Chu ang katigasan ng ulo niya.

Ayaw niya kay Su Yu? Matuturing ba ito na rason?

Kung wala ang tatay ni Qin Chu sa kwarto, sasabog sa kakatawa si Huo Mian…

Iniisip niya tuloy kung ano ang magiging reaksyon ni Su Yu kapag narinig nito ang sinabi ni Qin Chu.

Pinigilan ni Huo Mian ang sarili na tumawa, yumuko at nagkunwaring kumakain…

Napatigil si Qin Yumin saglit bago tumawa. "Nagulat ako na nakita ko ang pagiging matigas ng ulo mo."

"Ang anak mo ay isang ordinaryong tao na kailangan kumain at matulog katulad ng iba. Huwag mo akong ituring na nakakataas," seryosong sabi ni Qin Chu.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter