35 Gantimpala

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 35: Gantimpala

"Okay, babalik na po ako."

Pagkaalis niya sa Fourth People's Hospital, sumakay siya sa bus papuntang First People's Hospital.

- Sa loob ng head nurse's office-

"Huo Mian, nakausap ko na ang hospital director tungkol sa request mo at inaprubahan niya ito. Ito ang bonus mo."

Pagkatapos niya magsalita, binigay sa kanya ng head nurse ang isang brown paper envelope.

Tinanggap ni Huo Mian ang envelope at napansin na mabigat ito. Nagulat siya at nagtanong, "Head nurse, magkano po ito?"

"Twenty thousand yuan."

"Ganoon kalaki?" gulat na gulat si Huo Mian.

"Sinabi ng hospital Director kung gaano kadelikado ang naging operasyon; gising na ang official ngayon at nagrerecover na nang maayos. Gusto niya makasigurado na mabibigyan nang maayos na reward ang lahat ng hospital staff na kasama."

"Salamat head nurse. Please, pakisabi rin sa Director, salamat."

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin, deserve mo yan. Idagdag pa natin dito kung paano mo tinanggap ito kahit ganoon kadelikado."

Ngumiti si Huo Mian ngunit wala siyang masabi…

Gamit ang twenty thousand yuan, mababayaran na niya ang kanyang credit card bill pati na ang utang niya kay Lingling. Sobrang saya nito!

Ang pakiramdam na wala ka ng utang ay nakakatuwa…

"Huo Mian, pwede ba kita tanungin ng personal na tanong?"

"Sige po head nurse, tuloy niyo lang."

"Narinig ko kung ano ang nangyari sayo. Sobrang galing mo academically noong high school, at madami ka ring natanggap na invitations at full scholarships galing sa iba't ibang medical schools abroad. Ang university entrance examination mo ay 697 out of 700, at dahil diyan qualified ka sa Jing University, isa sa may pinakabest na medical program sa ating bansa. Ngunit, bakit mo pinili ang isang local medical program? Gamit ang talent at talino mo dati, paniguradong magiging isa kang exceptional na doktor at hindi isang ordinaryong nurse intern katulad ngayon."

"Iyon ay… sarili kong desisyon. Siguro lahat naman ay gumagawa ng iba't ibang mga desisyon," bitter na ngumiti at sumagot si Huo Mian.

"Pinapanuod kita buong six month na andito ka. Maganda ang iyong work ethic, matalino ka at gifted, at mabilis ka makaintindi ng medical principles. Sa tingin ko, sayang ang makita kang tumuloy ng ganito. Bawat taon, may pinapadala ang ospital natin na mga tao para mag-aral abroad, at ang isang spot para rito ay nasa ating department. Magsisimula ang application sa July ngayong taon, at magkakaroon ka ng chance na tumira sa Canada sa loob ng walong buwan. Kung interesado ka lang…"

"Salamat, head nurse, pero hindi ko kailangan nito. Hayaan niyong iba ang magkaroon ng chance, isa lang kasi akong… ordinaryong nurse."

Pagkatapos, yumuko si Huo Mian kay head nurse nang puno ng respeto at tumalikod para umalis.

Nakatingin lang ang head nurse kay Huo Mian habang naglalakad ito papalayo at medyo naguguluhan siya.

Hindi niya maintindihan kung bakit ang isang sobrang talented na batang katulad niya ay pipiliing patayin ang sarili niyang pangarap.

- Sa kabilang side ng town, sa loob ng president's office sa GK Headquarters -

May middle-aged man ang nakasuot ng isang black suit, naka-upo ito sa sofa at nakaharap kay Qin Chu.

Siya ang middle-aged man na dumating kasama ang walong special agents sa Qin Manor noong sinundo nila si Qin Chu nang maaga.

"Doctor Qin, sobrang successful ng official's surgery. Pagkatapos ng critical period kagabi, nilipat siya ng aming military aircraft pabalik sa Jing City kung saan siya magpapahinga at magpapagaling. Hayaan mo kong magpasalamat sayo on behalf of official. Sinusunod ko lang din ang utos ng official na makipag-usap sayo at alamin kung ano ba ang pwede niyang matulong sayo?"

"Bibigyan niyo ako ng reward bilang isang thank you?" sagot ni Qin Chu.

"Yes. Kaya kung may kailangan ka, ipaalam mo samin at gagawin namin ang aming makakaya."

"Sa tingin mo anong kulang sakin ngayon?" tanong ni Qin Chu.

Nanigas nag middle-aged man at walang maisip kung ano ang kanyang isasagot. Bilang president ng GK Corporation, mukhang wala nang masyadong kailangan si Qin Chu.

Pagkatapos ng ilang sandali, naglabas ang middle-aged man ng isang envelope na may lamang files at nilapag ito sa table. Umubo ito ng mahina, at sinabing, "Nasa sayo na ang lahat bilang isang mayaman, pero nalaman namin na kahit 27 years old ka na ay wala ka pa ring nagiging girlfriend. Kaya naman, nagcompile kami lahat ng file ng mga socialites na nakatira sa tatlong malalapit na provinces. Lahat sila ay may dignified family backgrounds at sobrang magaganda. Tingnan mo lahat ng files maigi at ipaalam mo samin kapag may nagustuhan ka. Sisiguraduhin kong ako ang bahala."

"So, ang ibig mong sabihin, ang reward ng boss mo sakin ay tulungan ako maghanap ng girlfriend?" cold na tanong ni Qin Chu habang nakatingin sa mga files.

avataravatar
Next chapter