217 Dati

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Rong… Rong," nahirapan sa pagsabi si Huo Zhenghai sa dalawang salitang ito habang may komplikado itong expression.

"Mukhang hindi naging maganda ang lagay mo sa mga nagdaang taon. Lagi ko nakikita ang mga balita tungkol sa kalusugan mo sa T.V."

Mapait na ngumiti si Huo Zhenghai. "Oo, matanda na talaga ako at walang kwenta ngayon."

Ngumiti si Yang Meirong. "Anong ibig mong sabihin? Kung wala kang kwenta, hindi mo mabibigyan si Shen Jiani ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Idagdag pa rito, ang una at pangalawa mong asawa ay mukha namang nagkakasundo; naging matagumpay ka rin, hindi nga lang sa pagiging tatay. Halika, tingnan mo, 24 taong gulang na si Huo Mian."

Inabot at hinila ni Yang Meirong si Huo Mian palapit.

Itinaas ni Huo Zhenghai ang kanyang ulo at tiningnan si Huo Mian, kakaiba at kumplikado ang mukha niya.

Ang itsura ni Huo Mian ay kakaiba dahil hindi siya kamukha nila Huo Zhenghai at Yang Meirong.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter