40 Dati

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 40: Dati

Naiwang nakatayo mag-isa si Huo Mian sa labas ng police station, nagugulo ang buhok niya dahil sa hampas ng hangin. Siya ang nagpiyansa kay Ning Zhiyuan palabas, kaya anong nangyari?

Hindi makapili si Mian kung sasakay ba siya ng taxi, kaso sobrang mahal nito o bus papuntang First People's Hospital. Nang biglang parang magic na bumalik ang Audi R8. Hindi lalagpas ng five minutes ang pag-alis at pagbalik nito.

"Pasok."

"Paano ka nakabalik agad? Nasaan siya?"

"Nasa hotel siya sa di kalayuan," sagot ni Qin Chu.

Hindi makapagsalita si Huo Mian, ang husay talaga ni Qin Chu ay tunay na…

"Bilisan mo, pumasok ka na."

Tumigil si Huo Mian sa pag-iisip, binuksan ang pinto at umupo sa passenger's seat.

Pagkatapos ng ilang tahimik na sandali, marahan siyang nagtanong, "Ikaw ba ang nag-setup ng lahat na nangyari ngayon?"

Medyo napatigil ang kamay ni Qin Chu sa manibela. Humarap siya sa kanya at tumingin, "Iniisip mo na ako ang gumawa nito sa kanya?"

Hindi makasagot si Huo Mian…

"Sa tingin mo gagawa ako ng ganito kababaw?" tanong ni Qin Chu.

Tahimik lang si Huo Mian. Pero tama si Qin Chu, ang isang taong katulad niya ay hindi gagawin ang ganitong under the table.

Sa kabilang banda, si Gao Ran ang mukhang gagawa ng ganitong eksena. Sa pagkakaalala ni Huo Mian, lagi siyang hindi mapakali kahit noong seven years ago.

"Ikaw hindi, pero yung bro mo baka."

Napangiwi si Qin Chu, "Sa tingin mo ang captain ng Municipal Public Security Bureau ay may oras para mag-frame ng isang ordinaryong mamamayan para mahuli at maakusahan siyang pumupunta sa mga whorehouses?"

"Siya ang captain ngayon?" nagulat si Huo Mian, hindi niya naisip na ganoon kataas ang mararating ni Gao Ran.

Ngayong nakapag-isip na siya, hindi nga mukhang gagawin ng isang Captain of Bureau ang ganito. Lalo na, kapag nasa isa siyang kaso, lagi siyang napapaligiran ng mga pulis. Pag mali naman siya ng nakasuhan, paguusapan siya ng mga tao. Hindi iyon wais na gawin.

Ang pinakamahalaga, habang sinasagutan ni Huo Mian ang mga forms, naalala niya ang sinabi ng pulis.

Sabi niya, "Miss, ang boyfriend mo ay isang repeat offender. Hindi ito ang unang beses na nahuli siya dahil sa pambababae, kailangan mo na siyang kausapin."

Nagulat si Huo Mian sa kanyang narinig. Hindi niya naisip na ang Ning Zhiyuan na kilala niya bilang maamo at mabait, ay isa palang repeat offender ng mga bayarang prostitutes.

Kung nagkukunwari lang siya, sobra na ito. Saka, clean freaks ang mga doctors, tama?

Paano niya nasikmurang matulog kasama ang isang prostitute?

Habang mas iniisip ni Huo Mian ang tungkol dito, mas lalo siyang nalulungkot. Napagdesisyunan niyang mas maganda kung hindi nalang siya magsasalita kaya naman tumingin nalang siya sa labas para makita ang night view.

Hindi niya naisip na isang araw, makaka-upo ulit siya sa sasakyan ni Qin Chu nang silang dalawa lang, naglilibot sa gabi katulad noong seven years ago.

Hindi lalagpas sa 20 mins bago makarating ang Audi R8 sa kanyang apartment, pero pakiramdam niya ay ilang oras ang lumipas…

Sa totoo lang, wala siyang lakas ng loob na humarap kay Qin Chu. Kahit galit siya dito, alam niyang, galing sa pagmamahal ang pagkamuhi niya dito.

Kung hindi, dapat isa nalang siyang stranger para sa kanya noong nagkita sila ulit. May iba pa bang dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?

"Mian," marahan niyang tinawag ang pangalan niya.

Inikot ni Huo Mian ang ulo niya, nanglalabo ang kanyang mga mata. Siguro dahil ito sa atmosphere ng gabi, masyadong naapektuhan ang puso niya.

"Kamusta ka noong lumipas na seven years?" pinipigilan ni Qin Chu ang sarili sa pagsabi ng tanong na ito. Anong nangyari kaya sa kanya noong buong seven years na wala siya?

avataravatar
Next chapter