1799 Darkness Dissipates; The King Returns (20)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1799: Ang Kadiliman ay Natatanggal; Bumalik ang Hari (20)

Kaagad na itinago ni Su Yu ang brocade box sa likod niya at tumayo. "Bakit ka nandito?"

"Nagustuhan mo ba 'yung pagkanta nina Pudding at Little Bean?"

"Mhm, oo naman."

"Sino'ng mas magaling, si Pudding o si Little Bean?" Nakangiting tinanong ni Huo Mian.

"Pareho silang magaling."

"Ay, ang diplomatic naman ng sagot na 'yun…"

"Kailangan kong maging diplomatic, 'di ko susubukang inisin ang isa sa kanila," natawa si Su Yu.

Tatlong taon niyang nakapiling ang kambal kaya alm niya na ang ugali nito. Mula nang natuto silang magsalita, paulit ulit na nilang tinatanong na: "Handsome Su, sino sa'min ang mas maganda?"

Kapag sinagot ni Su Yu na pareho silang maganda, 'di nila tatanggapin ang sagot at pipilitin siya na pumili.

Kung pipili naman siya ng isa, magagalit ang isa pa.

Pero alam ni Su Yu na hindi niya dapat galitin ang mga anak ni Huo Mian.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter