1790 Darkness Dissipates; The King Returns (11)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1790: Pagkawala ng Kadiliman; Ang Pagbabalik ng Hari (11)

 

Kinagat ni Su yu ang kanyang labi at hindi na nagsalita. Sa katunayan, naisip niyang malaki rin ang kanyang pagkakataon.

Tatlong taon na ang lumipas, kaya siguro ay nakausad na si Huo Mian sa kanyang buhay.

Lalo pa at si Qin Chu ay bahagi na lang ng nakaraan. At sa tatlong taon na lumipas, wala nang nagbanggit kay Qin Chu kay Huo Mian.

"Sa totoo lang, ayoko siyang pwersahin sa kahit ano. Kung um-oo siya sa akin para lang hindi ako mapahiya, mas madidismaya ako."

"Pakiusap, Master Su, wag ka nang maging sentimental. Sa sitwasyon ngayon, basta um-oo si Huo Mian sa proposal mo, ayos na 'yon. Bakit mo pa iisipin ang dahilan? Wag ka nang masyadong mag-isip. Isa pa, darating rin ang pagmamahal. Sa tingin ko, kapag kinasal kayo, hindi magtatagal mamahalin ka rin niya. Pakiramdam ko tatay na rin ang turing sayo ng kambal.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter