199 Bulung-bulungan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nalang ito masyadong binigyan pansin ni Huo Mian, kaagad umupo ulit sa kanyang upuan at nagsimulang kumain na parang walang nangyari.

Kahit na dessert na ang kinakain nila, nakapokus lang siya sa bawat pagscoop ng ice cream at walang lakas ng loob na tumingala…

Tinitigan lang ni Qin Chu ang kanyang nahihiyang reaksyon; napangiti siya at naging maamo ang tingin niya.

Nang makauwi na sila at naghahanda na para natulog, nakatanggap si Qin Chu ng tawag pagkatapos maligo.

"Kailangan ko muna umalis saglit, mauna ka na matulog."

"Anong problema?" Dahil pakiramdam niya seryoso ito, nag-aalalang nagtanong si Huo Mian.

"Naospital ang tatay ko dahil sa altapresyon."

"Seryoso ba ang lagay niya?"

"Hindi ko pa alam, kaya titingnan ko muna. Mauna ka na matulog," kinuha ni Qin Chu ang coat niya at umalis.

Gusto talaga ni Huo Mian na sumama sa kanya, pero naalala niya ang relasyon sa pagitan niya at ng pamilya niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter