71 Bulung-bulungan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 71: Bulung-bulungan

"Hi Mian, ang aking nakababatang kapatid, ilang araw na rin ang nakakalipas simula noong huli tayong nagkita, pero mas lalo kang gumanda."

Si Huo Siqian ay may suot na mulberry blazer at itim na dress pants. Lahat ng kanyang damit ay mula sa mga luxury designer brands.

Hindi katulad nang kay Qin Chu, ang kanyang panlasa sa pananamit ay para makaagaw ng atensyon, kaya mas gusto niya ay matitingkad na kulay gaya ng pink at dark purple.

Si Huo Siqian ay 29 years old at gwapo sa maginoong paraan.

Siya rin ang Vice President ng Huo Corporation, kaya sikat siya a mga grupo ng mga taong may matataas na estado sa buhay.

Siya ay mahilig mambabae. Ang kanyang mga nakakasamang babae ay saklaw ng mga artista at international supermodels hanggang sa mga tagapagmana. Hindi na rin mabilang sa kanyang mga daliri ang kanyang mga nakarelasyon. Madalas din siyang lumilitaw sa mga entertainment magazines kaya mataas ang tingin sa kanya ng publiko.

Sinasabi na siya ang susunod na tagapagmana ng Huo Corporation. Kitang-kita na kahit isang siyang ampon, ang kanyang estado ay mas mataas pa sa kanyang mga kapatid na anak sa labas ni Huo Zhenghai.

Kahit saan din siya magpunta, suot ni Huo Siqian ang kaniyang bedroom eyes at fox-like smile. Gustung-gusto ito ng mga kababaihan.

Lahat ng mga batang nurses sa Obstetrics and Gynecology Department ay naakit at pasulyap-sulyap sa binata.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo ito, huwag mo akong tatawagin ng ganyan. Hindi mo ako nakakabatang kapatid." Malamig na tugon ni Huo Mian.

"Sige, Huo Mian. Pero mayroon akong pabor na kailangan sa'yo ngayon. Mayroon akong kaibigang babae na gustong magpa-gynecology checkup, pero ang hirap magpa-appointment sa inyong hospital's specialist. Buti na lang, naalala kong nagtatrabaho ka sa OB/GYN Department. Pwede bang ipagtanong mo siya at kung pwede, kuhaan mo na rin ng appointment?"

"Hindi pwede. Ako ay isang intern nurse lamang, at wala akong ganoong klase ng awtoridad, Mr. Huo, gamit ang impluwensya mo, kaya mo namang dumiretso sa direktor ng ospital."

Pagkatapos, tumalikod si Huo Mian at naglakad papunta sa examination room ng OB/GYN Department, hindi niya na ito pinansin.

Sa kabilang banda, mukhang hindi masama ang loob ang loob ni Huo Siqian. Walang emosyon itong ngumiti.

Bilang Vice President ng Huo Corporation, kayang-kaya niyang magkaroon ng express pass sa kahit anumang ospital. Hindi na niya kailangang humingi ng tulong sa isang bubwit katulad ni Huo Mian.

Ngunit, gustung-gusto niyang nakakausap ang kanyang kapatid. Kapag nakikita niya ito, gumagaan ang pakiramdam niya. Ilang sandali lang, may mahihin na babaeng lumabas mula sa outpatient room ng mga OB/GYN attendings. Kumapit ito sa braso ni Huo Siqian.

"Siqian, sabi ng doktor ay nagkaroon ako ng ginaw. Kailangan ko lang bawasan ang pagkain ng seafood. Mukhang hindi na tayo makakapunta sa beach sa bakasyon."

"Ayos lang yan, pa-iinitin kita pagkauwi natin."

"Oh tigilan mo nga yan. Heh, lagi mo akong pinaglalaruan." Nakikipaglarong tugon ng babae. Pagkatapos, umalis na silang dalawa.

"Ate Huo, sino siya?" tanong ni Huang Yue, naiintriga ito. "Ang gwapo niya at nakasuot siya ng mga damit galing sa designer brands. Kitang-kita na mayaman siya."

"Kaibigan siya ng kaibigan ng kaibigan ko. Hindi ko rin siya gaanong kilala." Kailanman, ayaw ni Huo Mian na pinag-uusapan ang Huo Family.

"Ano ka ba Huang Yue, hindi ka ba nagbabasa ng dyaryo? Hindi ba siya si Prince Huo? Katulad nga ng inaasahan sa isa sa apat na Princes ng C City, gwapo siya at mayaman. Mas gwapo rin siya sa personal kaysa sa mga litrato. Ang pangit lang sa kaniya ay ang pagiging babaero niya," sabi ng isa sa mga batang nurses.

"Apat na Princes? Hindi ko pa narinig iyon kahit kalian," sabi ni Huang Yue.

"Kaya nga sinasabi ko na isa kang probinsiyana. Ang apat na Princes ay ang tinuturing na mga bachelor sa high society, lahat sila ay hindi pa kasal. Pangalawa si Huo Siqian sa ranggo. Base rin sa aking pagkakarinig, ang ikatlo ay ang pangalawang anak ng Southern City Corporation's Wei Family, si Wei Liao, at ang ikaapat naman ay ang anak ng presidente ng Beiyang Automotive, si Shen Mingxi."

"Hm? Sino ang una?' mausisang tanong ni Huang Yue.

"Ang pinakauna? Iba ang taong iyon. Siya ang aking pinapangarap na boyfriend. Siya ang pinakagwapo at ang pinakamayaman, Super Crown Prince, Su Yu.

"Huh? Su Yu. Sa tingin ko, narinig ko na ang pangalan niya. Hindi ba ang kanyang tatay ay kasama sa Forbes' top five? Iyong nagsimula sa private banking? Sabi nila, ang kanilang bangko ay kalat na sa buong bansa," namamanghang sabi ni Huang Yue.

"Oo, pero si Prince Su ay mayroong sariling entertainment company na gumagawa ng mga superstars. Sa apat na pinakasikat na divas ngayon, dalawa ay nasa label ni Prince Su."

Tahimik na nakikinig lamang sa Huo Mian. Wala siyang interes sa ganitong mga bagay.

Nang biglang, pumasok ang isa sa mga nakakatandang nurse at tiningnan sila ng masama.

"Anong apat na Princes?" Sabi niya, "Masyado na kayong huli sa balita. Ngayon, ang pinakabagong bachelor ay ang Prince ng GK Corporation. Sabi nila ay kakabalik lang niya sa bansa halos isang buwan na ang nakakalipas at sikretong namamahala sa kanilang kumpanya. Siya ay isang pribadong tao at iniiwasan ang media. Narinig ko rin na siya ay sobrang gwapo. Hiling ko na sana makita ko siya sa personal."

"Talaga? Tagapagmana ng GK? Bakit hindi ko siya nababalitaan?" sabi ng isa sa mga batang nurses.

Sa kabilang banda, magiliw na sumabat si Huang Yue, "Ang alam ko, nag-aral siya sa 2nd high school. Ang aking ate ay nag-aral din doon, nauna lang ito sa kanya ng isang taon. Sa pagkakaalam ko, ang pangalan niya ay Qin Chu, pero sabi nila, matagal na siyang pumunta ng ibang bansa. Bumalik na pala siya? Bakit walang kahit anong balita tungkol sa kanya?"

Hinila ni Huang Yue si Huo Mian, "Miss Huo, hindi ba nag-aral ka rin sa 2nd high school? Mas may alam ka, tama? Sige na, kwentuhan mo kami tungkol sa Prince ng GK. Gusto ko talagang malaman. Sabi nga ng ate ko, sobrang hot ni Qin Chu."

avataravatar
Next chapter