784 Battle of the Socialites (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 784: Laban Ng Mga Socialites(5)

Ngumiti si Song Yishi. "Mrs. Qin, 'wag mo siyang pahirapan. Baka may trabaho pa siyang gagawin."

"Trabaho? Anong trabaho naman iyan? Nako hahanapin niya lang ang…" hindi na tinapos ni Mrs. Qin ang gusto niyang idugtong dahil pinigilan siya ni Song Yishi.

Agad na sumabad si Song Yishi, "Kung hindi ka naman nagmamadali, bakit hindi mo kami samahan maghapunan? Ginawan ko ng butter croissants si Mrs. Qin. Masarap sila. Gusto mo bang subukan?"

Nang marinig ang taos-pusong imbitasyon ni Song Yishi, nakaramdam ng hiya si Qin Chu… 

Gusto niyang tumanggi pero inutusan na ng nanay niya ang katulong. "Anong tinatayo tayo mo diyan? Maghahapunan na kami at gutom na si young master."

"Opo, Mrs. Qin."

At nang ganoon lang, napwersa nang kumain si Qin Chu...

Magaling magluto si Song Yishi. Tumira siya sa ibang bansa ng matagal kaya magaling siyang magluto ng western food.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter