780 Battle of the Socialites (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 780: Laban Ng Mga Socialites(1)

"Alam kong hindi kasing up to date ng mga balita mo ang balita ko, wala sa inyong nakakaalam na nakabalik na ng China ang anak ni Mayor Song, ano?" Misteryosong tanong ni Tang Chuan. 

Umiling si Su Yu… hindi siya nagbibigay ng atensyon kay Mayor Song, lalo pa sa anak niya. 

"Normal lang iyan, mahigit isang dekada siyang hindi umuwi. Narinig ko na may bahay siya sa Italy… Naninirahan doon si Mayor Song at ang asawa niya ng ilang araw sa isang taon pero noong isang araw, bigla siyang umuwi ng walang rason. Isa pa, narinig ko na malapit siya kay Mrs. Qin at binibisita niya ito araw-araw...kaya naisip ko, bakit naman ang isang bata at magandang single na babae ay makikipagkaibigan kay Mrs. Qin? Isa pa, hindi gusto ng matanda si Huo Mian, kaya naisip ko…" 

Tumigil si Tang Chuan bago niya tapusin ang sinasabi niya… 

Gayunpaman, naiintindihan ni Su Yu kung anong nais niyang sabihin. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter