195 Asal

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bago pa makasagot si Su Yu, tumalikod ulit si Huo Mian at lumabas ng pinto, naiwan tuloy si Su Yu na tuliro at mag-isa sa kwarto.

Ano yun? Inaasar ba siya nito?

Ang lakas naman ng loob niya na sabihing isip bata siya, napakamasahol na babae! Pagod na ba siya mabuhay?

"May buhay pa ba diyan? Pumasok ang isa sa inyong mga talunan," sigaw ni Su Yu.

Pagkatapos, may nagmamadaling bodyguard na pumasok, "Young Master, ano ang maipag-uutos niyo?"

"Naalala mo yung nurse na kalalabas lang?"

"Opo." Mapagkumbabang tumango ang bodyguard.

"Tama yan, tandaan mo ang mukha niya, at huwag niyo siyang hahayaan na makapasok sa kwarto ko."

"Opo, sir."

Galit na diniinan ni Su Yu ang pinagtusukan sa kanya. Ang maiksi niyang pasensya ay alam ng lahat ng nakakakilala sa kanya

Simula bata pa siya, ang trato sa kanya ng iba ay parang buwan sa langit, at kailanman hindi siya sinigawan ng magulang nuya

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter