410 Ang Unang Hindi Pansinan (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang sabi ko, gusto ko ng divorce."

"Ayoko, huwag mo ng pag-isipan ang tungkol dito." Kaagad na tanggi ni Qin Chu. Sa sandaling ikinasal siya rito, kailanman ay hindi sumagi sa isip niya na makipaghiwalay kay Huo Mian.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, at wala akong pake kung payag ka man o hindi. Ako na ang unang bubukod, at pagkatapos ng anim na buwan, pupunta ako sa korte para makipag-divorce. Yun lang."

Pagkatapos, tumayo si Huo Mian at pumunta sa kwarto ng pasyente…

"Honey..." Ang lakas ng tibok ng puso ni QIn Chu habang sinusubukan niyang kumapit sa braso ni Huo Mian.

"Bitawan mo ako." Walang emosyon at malayo ang loob ang tono ni Huo Mian, na para bang ibang tao ito.

"Huwag mo akong susundan. Hindi pa gising ang mama ko at sigurado ako na ayaw niyang makita ang mukha mo." Pagkatapos, tumalikod si Huo Mian para pumasok sa kwarto.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter