74 Ang Totoong Siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 74: Ang Totoong Siya

"Mali ka. Hindi ako nagbago. Ganito na ako dati pa, ibig sabihin… noong mga nakaraang taon na nagkasama tayo, kailanman, hindi mo ako nakilala ng lubusan . Ang babaeng minahal mo ay ang babaeng ginawa mo sa isip mo at hindi iyon ang totoong ako."

Sa totoo lang, matagal nang gustong sabihin ni Huo Mian ito…

Noong una niyang nakilala si Ning Zhiyuan, itinago niya ang kanyang sarili bilang isang ordinaryong babae.

Pagkatapos ng relasyon nila ni Qin Chu, na tinanggal sa kanyang memorya, ang kanyang puso ay naging payapa katulad ng isang karagatan sa mahabang panahon.

Kung kaya't ang mahinhin, maintindihin at matalinong babaeng nakilala ni Ning Zhiyuan ay ang hindi totoong Huo Mian.

Tao ang pinakamatalinong hayop sa mundong ito. Minsan, ang pagkakakilala mo sa isang tao ay ang gusto niya lang ipakita sa iyo, kaysa sa kung ano talaga siya…

Tanging si Qin Chu lang ang nakakakilala sa totoong Huo Mian.

Siya ay mabilis mag-isip ng mga nakakatuwang bagay, matalino, at babaeng diretso magsalita na palaging nangingialam sa mga bagay-bagay. Katulad ito ng pagkakalarawan sa kanya ni Zhu Lingling. Iyon ang totoong siya. Ngunit, hindi niya hinyaang makita ni Ning Zhiyuan ang totoong siya noong sila pa.

Ngayong hiwalay na sila, nagkaroon na si Ning Zhiyuan ng pagkakataon na makita ni ang totoong siya. Nakakatawa….

"Mian…?" mukhang may gusto pang sabihin si Ning Zhiyuan.

"Tigil. Hindi mo na kailangang magsalita. Nakuha ko na. Noong lumapit ang anak ko sa iyo para humingi ng tulong, may kasama kang ibang babae sa iyong apartment? Ngayon, humihingi ka ng tawad dahil narinig mo nang maayos na si Zhixin, at ang mga bayarin para sa operasyon ay nabayaran na. Hindi ka tunay na lalaki. Noon, akala ko, kahit wala ka masyadong naabot, tapat at totoo kang tao. Ngayong nakita ko na ang tunay mong kulay, isa ka nang sinungaling na tao na gusto lang tumulong kapag tapos ang lahat. Huwag kang pumupunta dito para lang ipakitang malungkot ka, naiirita ako. Umalis ka na. At dahil hiwalay na rin kayo ni Huo Mian, hindi na ako ang magiging biyenan mo at hindi mo na rin magiging bayaw si Zhixin."

"Tita…"

"Umalis ka at dalhin mo yang basket ng prutas mo," pagkatapos nila magusap, tumayo si Yang Meirong, kinuha ang basket ng prutas, at tinulak ito kasama si Ning Zhiyuan palabas ng kwarto.

"Mama, ang galing mo. Ikaw na ang naglabas ng galit ni Huo Mian." Binigyan siya ng thumbs-up ni Jing Zhixin.

Tumingin si Yang Meirong kay Huo Mian at sinabi, "Sa susunod, pumili ka ng mas maayos na lalaki. Basura ang isang ito."

"Gets ko po. Ma, babalik na ako ngayon sa department ko. Huwag kang magpakapagod. Darating na ang tagapag-alaga maya-maya kaya kung maaari, umuwi ka na at magpahinga."

Habang papalakad palabas si Huo Mian, hindi siya mapakali…

Kahit masungit at kanyang nanay sa kanya, kitang-kita na pinapanigan siya nito, ipinagtanggol pa nga siya nito sa harap ni Ning Zhiyuan.

Pero ano kaya ang magiging reaksyon ng kanyang ina kapag nalaman nito na sikreto silang nagkikita kay Qin Chu at ngayon, kasal na rin siya rito?

Siguradong babalatan siya nito ng buhay…

Kahit walang kinalaman si Qin Chu sa pagkamatay ng kanyang Tito Jing, ang kanyang kamatayan ay gawa pa rin pamilyang Qin.

Habang iniisip ito, nagsikip ang dibdib ni Huo Mian. Hindi niya alam kung paano siya patuloy na mamuhay kasama si Qin Chu.

Pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang Tito Jing, lagi niyang pinaparusahan ang sarili sa loob ng pitong taon. Tinanggihan niya ang mga oportunidad na makapag-aral sa ibang bansa at napagpasyahan na huwag nang tumuloy sa pinakamagandang medical school sa Jing City.

Nanatili lang siya sa bahay at naging isang ordinaryong tao. Pero hanggang ngayon, hindi niya mapatawad ang kanyang sarili.

Ang pinaka-kinaiinisan paniya ay hindi niya magawang magalit kay Qin Chu…

Nararamdaman niyang binigo niya ang kanyang Tito Jing…

-9 PM-

Kinuha ni Huo Mian ang shift ng kanyang katrabaho. Pagod siyang nagpalit ng damit at lumakad papalabas ng ospital.

Tumingin siya sa kanyang phone. Namatay ito kaninang tanghali, at kinakailangan niya i-charge ito gamit ang kanyang portable battery pack.

Pagkabukas ng kanyang phone, nagsimulang dumating ang sunud-sunod na missed call notifications at isang text message...

"Anong oras ka uuwi? Ang akala ko ay hindi ka night shift ngayon. Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Galing ito ay Qin Chu…

Humikab si Huo Main at sinagot ang mensahe ni Qin Chu.

Pagkatapos, bigla siyang nakarinig ng matinis na tunog galing sa gulong ng kotseng diretsong papunta sa kanya. Iniangat niya ang kanyang ulo pero dahil sa sobrang lakas ng ilaw mula sa kotse, hindi niya maibuka ang kanyang mga mata.

Ang tanging alam niya lang ay may malaking sasakyan na papunta sa kanya at matulin ito.

"Huo Mian!" may sumigaw ng kanyang pangalan.

avataravatar
Next chapter