658 Ang Pinaka-kinatatakutan ay Nagkatotoo (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Syempre hindi… si He Man ang nasa likod nito."

"He Man?" Kung hindi siya binanggit ni Wu Xiaoxue, halos makakalimutan na siya ni Huo Mian.

"Ang demonyong babaeng yun ay inis na inis dahil masaya akong kinasal kay Ning Zhiyuan, dahil ang iniiisip niya ay nakipaghiwalay si Ning Zhiyuan sa kanya dahil sa akin pero ang totoo niyan, hangal siya. Ipinapagako ko, kahit na wala ako sa sitwasyon, hindi pa rin siya papakasalan ni Ning Zhiyuan dahil wala lang siya at isang pokpok lang. Ang kahit sinuman ay hindi magkakagusto sa kanya."

"Xiaoxue, hindi ka pa rin tuluyang gumagaling kaya hindi ka dapat masyado maging emosyonal. Dahan-dahan lang."

"Kumuha ako ng mga imbestigador para tingnan ito. May suspetsya ako kaya sabi ko sa kanila ay kunin nila ang tape ng driver na nakasagasa sa akin at tumakas. Kilala mo rin siya."

"Kilala ko?" Mas lalong nagulat si Huo Mian.

Tumango si Wu Xiaoxue. "Naalala mo yung buntis na pasyente na sinubukan kang kilkilan?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter