467 Ang Pagtakbo Para sa Buhay Niya (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oh, nasangkot ako sa maliit na aksidente. Ayos lang naman ako kaya hindi ko na sinabi sayo pero, nagasgasan ang kotse," maingat na sabi ni Huo Mian habang paminsan-minsan na nagnanakaw ng tingin kay Qin Chu para kung sakaling nalaman nito na nagsisinungaling lang siya…

"Masaya ako na ayos ka lang. Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha."

"Opo." Tumango si Huo Mian at nakahinga ng maluwag.

"Mag-oorder ako ng bagong kotse na may mas ligtas na features. Kalimutan mo na ang lumang kotse mo."

"Pero."

"Walang pero, basta tanggapin mo nalang ito." Pinigilan ni Qin Chu ang pagtanggi niya.

"Sige, salamat Mr. Qin." Lumambitin si Huo Mian sa leeg niya at tumawa na parang inosenteng bata.

Silang dalawa ay late na nagising kaya hindi na sila kumain ng agahan. Sumakay si Huo Mian sa Maybach ni QIn Chu at pumunta na sila sa trabaho.

Nung nakarating na si Huo Mian sa opisina niya, ang isang take-out na agahan ay nasa lamesa na niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter