669 Ang Pagiging Mapagmanipulang B*tch (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Um… ahem." Umubo si wei Liao at binabaan ang boses niya. "Meron ka bang WeChat ni JIang Xiaowei?"

"Gusto mong makipaglandian sa aknya?"

Nahiya si Wei Liao sa pagiging prangka ni Huo Mian…

"Haha… hindi man lang tayo magpapaligoy-ligoy?" Tumawa si Wei Liao.

"Meron ako ng WeChat niya, pero..."

"Pero ano?" Nahihiyang tanong ni Wei Liao nung nakita niya ang pag-aalinlangan ni Huo Mian.

"Pero baka ma-engaged na siya ngayong linggo."

"Engaged?" Ang balitang ito ay parang isang malaking pasabog sa ulo ni Wei Liao.

Taon na rin simula nung makakilala siya ng babaeng interesado siya. Akala niya ay makakapagpaalam na siya sa single niyang buhay, pero…

Halos mawalan ng kontrol si Wei Liao nung sinabi ni Huo Mian na malapit na ma-engaged si Jiang Xiaowei.

Ang puso niya ay parang itutulak sa bangin at nadurog ng milyong piraso…

"Kaya sa tingin ko… walang magandang maidudulot ang pag-add sa kanya sa WeChat," dagdag ni Huo Mian.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter