381 Ang Mini Honey Moon (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oo."

"Saan tayo pupunta?"

"Secret," walang emosyon na pagkakasabi ni Qin Chu.

Walang masabi si Huo Mian…

"Sige, siguro ay hindi tayo makakapunta sa kahit saan sa loob ng tatlong araw." Gusto talaga ni Huo Mian na pumunta sa Maldives, pero ang papunta doon ay matagal kaya mauubos ang tatlong araw nila sa papgpunta at pagbalik at kung idadagdag pa yung totoong bakasyon, siguro ay mawawala sila ng sampung araw.

Para kay Qin Chu at sa sarili niya, ang sampung araw na bakasyon ay sobrang mahal at hindi makatotohanan.

Si Qin Chu rin ay nagpapakamisteryoso at ayaw magsabi ng kahit ano, kaya hindi na nagtanong si Huo Mian.

"Ano ang ginagawa mo?"

"Nag-iimpake; kailangan ko ng sunscreen, damit at iba pang gamit. Oh tama, kailangan ko pa ba magdala ng tent? Pupunta ba tayo sa beach o bundok?"

Napabuntong hininga si Qin Chu…

"Bumalik ka rito, hindi mo kailangan magdala ng kahit ano kung hindi ako."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter