86 Ang Libing

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 86: Ang Libing

Nang hindi inaasahan, sa kabilang linya, sinabi ni Qin Chu, "Mula ngayon, lumayo ka na sa manyakis na si Huo Siqian."

"…" biglang hindi alam ni Huo Mian ang kanyang sasabihin.

"Hindi mo ba ako narinig?" babala ni Qin Chu nang may isip-batang tono.

"Oo, alam ko."

"Ang libing ay mamayang 7 AM, tama?" ilang minuto lang ang nakalipas, mula sa phone, narinig ni Qin Chu ang feng shui master na nagsasalita.

"Oo," tumango si Huo Mian.

"Hihintayin kita sa pasukan ng sementeryo mamaya."

"Ayos lang. Pupunta na lang ako sa ospital para magtrabaho pagkatapos nito."

"Sinabi ko na bigyan ka nila ng day off. Umuwi ka at magpahinga ngayong araw."

"Em…" hindi makapagsalita si Huo Mian.

Mabilis ang taong ito. Ipinagpaalam na niya kaagad sa ospital na bigyan siya ng day off.

Pero siya ay sobrang nagtataka. Masyadong abala ang clinic nitong mga nakaraang araw, kaya paano nangyaring pinayagan siya ng head nurse na lumiban nang ganun lang?

"Ang head nurse… pumayag ba siya na mag day off muna ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Huo Mian.

Sumagot si Qin Chu, "Tinawagan ko si Wu Zhongxing."

"Sige na, ikaw na ang nanalo," pakiramdam ni Huo Mian, lahat ng dugo niya sa katawan ay namuo pagkatapos malaman na tinawagan ni Qin Chu si Director Wu.

Wala ni-isang nurse intern galing sa OB/GYN Department ang nasubukang tumawag sa director ng ospital para lang humingi ng day off… parang nagpakamatay na rin sila kung gagawin nila ito.

Sa kabilang banda, base sa estado ni Qin Chu, baka payagan pa siyang magpahinga ng director sa loob ng isang taon…

"Sige, kita tayo mamaya," pagkatapos nila mag-usap, ibinaba ni Qin Chu ang phone bago pa man makapagsalita si Huo Mian.

Pagkakataon nga naman. Pagkatapos ibaba ni Qin Chu ang phone, nalaman ni Huo Mian na malapit nang mamamatay ang kanyang phone.

Anim hanggang pitong oras siyang sinamahan ni Qin Chu sa kabilang linya nang hindi natutulog.

Ang tiyaga niya...

Minsan, nagkakaroon ng ilusyon si Huo Mian na mahal pa rin siya ni Qin Chu, kahit na hindi pa nito sinasabi sa kanya.

Pero, isa lang itong ilusyon. Madalas, kapag nakalma na siya, naiisip niyang pareho lang silang hindi makaalis sa nakaraan.

Hindi matanggap ni Qin Chu na nakipaghiwalay siya pitong taon na ang nakakaraan. Hindi nito matanggap na nagdesisyon siyang mag-isa.

Ang langit ay makulimlim sa araw ng libing, at malakas ang ihip ng hangin. Ang puso ni Huo Mian ay sobrang bigat.

May 60 na tao roon, kasama na rito ang Huo family at ang kanilang malalayong mga kamag-anak. May mahigit isandaan ding mga bisita sa labas at mahigit isandaang itim na Mercedez-Benz ang sunod-sunod sa engrandeng parada ng mga sasakyan; kaya napakaganda nitong tingnan. Ang sasakyan naman sa may pinakaharap ay ang itim na Rolls Royce na may litrato ng lola sa harap.

Lahat ng pumunta sa libing ay nakasuot ng itim, na may puting ribbons na nakatali sa isang nilang braso.

Maraming tagapagbalita galing sa iba't ibang media sources ang sumunod sa parada, at gumagawa sila ng eksena.

Si Huo Mian ay nakasuot ng itim na dress at sunglasses, sinusundan ang madla na parang wala siya doon.

Sina Huo Siqian, Huo Siyi, Huo Yanyan, Mrs. Huo, at ang mistress ay nasa magkabilang gilid ni Huo Zhenghai.

Syempre, sila ang gusto ng mga tagapagbalita…

Ang ugali ni Huo Yanyan ay nagbago mula noong isang araw. Siya ay lumuluha mula sa kanyang namumula at namamagang mga mata, para makuha nito ng simpatya mula sa mga tao.

Binigyan siya ng mga tagapagbalita ng close up, habang nagbibigay naman ng reaksyon ang ibang tagapagbalita sa telebisyon.

"Si Huo Yanyan, ang prinsesa ng Huo family, ang nangunguna sa parada papuntang libingan. Makikita na labis ang pagka-lungkot ni Miss Huo, at ang kanyang mga mata ay namumula at namamaga. Ayon sa sabi-sabi. nanatili siyang gising buong gabi sa mourning hall. Ang respetong binigay niya sa kanyang lola ay nagpaantig sa buong mundo. Hindi lamang maganda si Huo Yanyan, mayroon din siyang busilak na puso. Napakadakilang babae. Bihira nalang tayo makakita ng babaeng kasingbait niya na mula sa mataas na estado. Tinuruan siyang mabuti ng Huo family."

Nang ipalabas ang parteng ito ng libing sa telebisyon, napanood ito ni Zhu Lingling mula sa eroplano at muntik nang masuka…

Kaibigan niya si Huo Mian, kung kaya't alam niya ang sitwasyon ng pamilya ng Huo.

Ilang flight attendants ang nag-usap, "Ayos din si Huo Yanyan. Sobrang ganda na at ang bait pa. Siguro naging tagapagligtas siya at sinagip ang buong mundo noong nakaraang buhay niya para maipanganak siya sa Huo Family.

"T*ngina, itong babaeng ito ay hindi kasing-bait katulad ng inaakala ninyo. Siya ay masama. Huwag kayong maniniwala sa mga sinasabi ng press," galit na sinabi ni Zhu Lingling. Kung may mabait man sa Huo family, ito ay si Huo Mian. Ang lahat ng natira ay mga hipokrito.

"Paano mo nalaman Lingling? Magkaibigan ba kayo ni Huo Yanyan?" tanong ng isa sa mga flight attendants kay Zhu Lingling.

avataravatar
Next chapter