615 Ang Lahat ay Naghihintay na Makita Siyang Mabigo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Magkita tayo mamaya, Ate Huo Mian." Bago pa makapagsalita si Huo Mian, napagdesisyunan ng patayin ni Ni Yang ang tawag…

Pakiramdam ni Huo Mian ay lumulutang siya pagkabalik niya sa conference room…

Para kasing ilusyon lang ang lahat ng nangyari. Hindi kasi siya masyadong umasa kay Ni Yang dahil hindi sila ganun katagal na magkakilala at malaking pabor ang hinigi niya.

Pero, sa totoo lang, alam na niya mula sa simula palang na papayag si Huo Siqian basta ba ay tatawag siya.

Nakasuot si Huo Mian ng isang napakasimpleng damit ngayon. Plano niya kasi pumasok sa trabaho ngayong umaga kaya nagsuot lang siya ng itim na straight-legged na pantalon at nude-pink na shirt na may kasamang puting jacket.

Kaagad tumayo si Assistant Yang nung bumalik si Huo mian. "Young Madam, may hidi hihigit sa isang oras nalang tayong natitira."

"Alam ko." Tumango si Huo Mian.

Pagkatapos, kinuha niya ang bote ng tubog sa lamesa, binuksan ito at uminom.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter