524 Ang Katotohanan Tungkol sa Dong Tao Town (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Dahil ayokong kalabanin ang asawa ko bukas para sa final prize," sabi ni Huo Mian.

"Yun… pala ang dahilan." medyo nalungkot si Su Yu.

Inisip niya na sinadya ni Huo Mian na magpatalo dahil gusto nito na manalo siya…

Pero ngayon, sinabi nito na ginawa niya lang ito dahil ayaw niyang makipaglaban kay Qin Chu.

Minsan, pwede mong desperadong habulin ang katotohanan pero malalaman mo sa huli kung gaano ka-brutal ito…

"Okay, ngayon alam ko na. Salamat sa pagsabi sa akin ng katotohanan." Mapait na ngumiti si Su Yu at pagkatapos, malungkot na tumalikod…

Sa totoo lang, masama rin ang loob ni Huo Mian dahil ayaw niyang pinapahirapan si Su Yu sa lahat ng oras pero, ayaw niya talagang lumaban kay Qin Chu sa finals at makuha ang gantimpala dahil sobrang mahal siya ni Qin Chu at paniguradong sasadyain nito magpatalo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter