530 Ang Katotohanan Tungkol sa Dong Tao Town (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos mag-antay ng ilang sandali, walang sumagot ng pinto…

Ayaw sumuko, itutulak na sana ni Qin Chu ang pinto nung may narinig siyang boses mula sa likod.

"Sino ang hinahanap niyo?"

Lumingon si Huo Mian at nakita ang isang batang lalaki na nasa 15 o 16 na taong gulang. Matangkad ito at may kayumangging balat.

May hawak itong basketball sa kamay at ang damit nito ay puno ng pawis. Mukhang kakagaling lang nito mula sa paglalaro sa labas.

"Bata, hinahanap namin ang may-ari ng bahay na ito, nakita mo ba siya?" Magalang na tanong ni Huo Mian.

"Malayong kamag-anak kami ni Lolo Yang," dagdag ni Qin Chu.

"Hinahanap niyo si Lolo Yang…?" May weird na ekspresyon ang bata.

"Wala ba siya sa bahay niya? Narinig ko kasi na kakabalik niya lang mga ilang araw lang ang nakakalipas," sabi ni Qin Chu.

"Siya ay… patay na," nag-alinlangan ang bata nung una bago sabihin ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter