27 Ang Doktor

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

CHAPTER 27: Ang Doktor

Pagkatapos magpalit ni Huo Mian, tinanggihan niya ang offer ng ibang nurse sa kanyang department na samahan siyang maglakad papuntang VIP area sa pinakamataas na palapag.

Habang papunta siya doon, ang tanging naiisip niya lang ay kapag nag-fail ang procedure, baka hindi na niya ulit makita ang pamilya niya.

At dahil naisip niya ito, nilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang nanay. Nagring ito ng medyo matagal at walang sumagot. Paniguradong ayaw siya makausap nito.

Napabuntong-hiniga siya at tinawagan ang kanyang nakakabatang kapatid, si Jing Zhixin.

"Ate!" maririnig mo ang batang boses ni Jing Zhixin sa kabilang linya.

"Zhixin, nasa klase ka ba?"

"Hindi na. Wala ako masyadong klase ngayon kaya nasa library ako, gumagawa ng onting research. Okay lang ba ang lahat?"

"Medyo busy kasi ako ngayong araw, baka hindi ako makapunta sa Fourth People's Hospital. Pag may oras ka, huwag mo kakalimutan bisitahin si mama."

"Naiintindihan ko. Pupunta ako doon pagkatapos ko dito, at bibili na rin ng dinner para kay mama."

"Sige," ang isip ni Huo Mian ay nag-aalala tungkol sa iba pang bagay.

"Ate, kausapin kita ulit mamaya."

"Zhixin, kapag masyado ako naging busy, baka di ko na kayo maalagaang dalawa. Kailangan ikaw na ang mag-alaga kay mama para sakin ha."

"Opo ate," binaba na ni Jing Zhixin ang linya.

Tiningnan ulit ni Huo Mian ang phone niya at nagsimulang tingan ang kanyang contact list, nakita niya nag pangalan ni Ning Zhiyuan. Hindi niya ramdam na tawagan ito.

Sa halip, tinawagan niya ang number ni Zhu Lingling. Ngunit, hindi siya makatawag, paniguradong nasa flight pa ito.

Tinago niya ang kanyang phone, humingang malalim si Huo Mian para malinaw ang kanyang isip at binuksan ang pinto ng lounge katabi ng operating room.

Isang lalaki, mukhang nasa kanyang thirties, ang unang lumapit sa kanya, "Ikaw si Huo Mian, tama ba?"

"Ako nga."

"Ako ang scrub nurse ng Neurosurgery Department, Song Heng. Pwede mo kong tawaging Song."

"Hello," bati ni Huo Mian sa kanya.

"Ito ang mga pangalan at profiles ng mga kasali ngayon sa surgery. Tingnan mo."

Binigay ni Song Heng kay Huo Mian ang file, at dahan-dahan niya itong binuksan.

Assistant Surgeon: MD Wang Qi, male, 47, kilalang neurosurgical specialist, graduate mula sa Jing Medical University.

Assistant Surgeon: MD Huang Xiaoning, female, 43, kilalang neurosurgical specialist, graduate mula sa Faculty of Medical and Health Sciences sa University of Auckland.

Anesthesiologist: MD Fang Xu, 42, expert anethesiologist, graduate mula sa Osaka Medical University.

Scrub Nurse: NP Song Heng, 35, neurosurgery scrub nurse, graduate mula sa School of Medicine sa National University of Singapore.

Scrub Nurse: Huo Mian, 24, intern obstetrics scrub nurse, graduate mula sa Advanced Nursing Program sa C City Medical Academy.

Kung ikukumpara ito sa mga profiles na nauna sa kanya, pakiramdam ni Huo Mian, isa lang siyang langgam.

Kung madami naman pala silang nakuhang experts, bakit kailangan pa nila ng isang OB/GYN intern nurse katulad niya?

Oo nga pala, sabi ng director pinili daw siya ng lead surgeon. Nasaan kaya ang profile niya?

Napatingala siya. "Umm…" tanong niya, "bakit wala dito ang profile ng lead surgeon?"

"Oh, wala nga ito sa file. Ayaw ng lead surgeon ng atensyon, at tumanggi ito magbigay ng sobra tungkol sa kanyang personal information. Ang narinig ko lang ay sobrang bata pa nito at may postdoctoral degree galing sa Harvard Medical School."

"May postdoctoral degree siya galing sa Harvard Medical School?" sobrang gulat ni Huo Mian.

May sobrang galing katulad niya na nandito sa maliit na third-tier city na ito? Bakit wala siyang narinig tungkol sa taong ito dati?

"Okay, wag kabahan, paniguradong magtatagumpay tayo!" ngumiti si Song Heng.

"Sana nga," ngumiti pabalik si Huo Mian.

Biglang nagbukas ang pinto ng lounge, may apat na doktor sa kanilang mga white lab coats ang pumasok.

Pagkakita ni Huo Mian sa huling tao na pumasok, pakiramdam niya sasabog ang utak niya.

Si… Qin Chu… tama ba?

avataravatar
Next chapter