356 Ang Deklarasyon ni Young Master Su ng Digmaan (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sige, ikaw muna ang sumubok." Masikreto si Huo Mian at ayaw na nitong magbulgar pa.

Walang magawa si Qin Chu kung hindi kunin ito at pumunta sa kwarto. Pagkatapos, hinubad niya ang business attire niya at isinuot ang bigay ni Huo Mian. Nung nagpapalit siya, hindi siya nagtago kay Huo Mian kaya kita ang pang-itaas na parte ng katawan nito.

Hindi naman umiwas ng tingin si Huo Mian at diretsong tumingin sa mukha niya.

Pasikreto siyang natutuwa sa katawan ni Mr. Qin. Hindi ito maputla at medyo may pagkacopper ang tan nito kaya naman nakakaakit ito. Lahat dapat ng lalaki ay may kasing-gandang katawan katulad niya!

Mga isang minuto ang lumipas, nasuot na ni Qin Chu ang shirt na bigay sa kanya ni Huo Mian. At habang nakatingin kay Huo Mian, nagtanong siya, "Ano ito?"

"Kaparehas yan ng akin, isa kasi itong outfit na pang-couple," itinuro ni Huo Mian ang kanyang sariling pulang shirt habang sinasabi ito.

Walang masabi si Qin Chu.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter