302 Ang Babaeng Ito ay Pabago-bago (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Zhiyuan, kakabukas ko lang ng isang milk tea bar at ginagawa pa ito. Medyo gipit kasi ako, kaya…"

"Gusto mong pautangin kita ng pera?" Umismid si Ning Zhiyuan.

"Oo, wala kasi akong mga kaibigan at ikaw lang ang tumatrato sa akin ng mabuti kaya iniisip ko… alang-alang sa dati nating pinagsamahan at ang katotohanan na nagpalaglag ako para sayo, pwede mo ba akong pautangin? Ipinapangako ko, babayaran kita. Simula kasi nung umalis ako sa ospital wala akong makuhang trabaho. Alam mo naman na pina-blacklist ako ni Wu Xiaoxue sa kahit anong ospital kaya wala akong ibang pamimilian…" sabi ni He Man habang medyo naiiyak na tumingin kay Ning Zhiyuan gamit ang kanyang puppy eyes.

Walang nararamdaman na kahit ano si Ning Zhiyuan para kay He Man; noong nag-date sila, ginamit niya lang ito para mapunan ang libog niya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter