300 Ang Babaeng Ito ay Pabago-bago (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang sabi sa card, "Pasensya na kung nabangga ko ang kotse mo. Naayos na ito at ipinapangako ko na kapag nabangga kita ulit, susubukan kong hinaan ito."

Susunod? Meron pa palang 'susunod'? At mas hihinaan niya ito sa susunod? Ano ang ibig sabihin nito? Kokontrolin na niya ang lakas ng pagbangga niya?

Dahil sa galit, kinuha ni Huo Mian ang mga lilies sa kotse at inihagis ito sa sahig. Pagkatapos, sinira niya ito gamit ang paa niya.

"Uy, Head nurse, anong nangyayari?" Kararating lang ni Nannan at nung napadaan siya, nakita niyang sinisira ni Huo Mian ang mga bulaklak kaya lumapit siya para tanungin ito.

"Wala, may manyak lang na nagpadala ng mga bulaklak na ito at mukha rin itong malas kaya ayoko sa mga ito."

"Sayang naman, ang laking bouquet pa naman nito." Tumawa si Nannan.

Pero, kahit na weird ang sulat ni Su Yu bilang paghingi ng tawad, inayos niya ang kotse at mas mukhang maganda ito kaysa dati.

- GK Headquarters -

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter