305 Ang Babaeng Ito ay Pabago-bago (12)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

– Seductive Fox Nightclub –

Ito ang pinakamalaking nightclub sa lungsod… at pinakamahal. Ang mga pumupunta lang dito ay ang mga mayayamang tagapagmana at socialites.

Dito, normal lang gumastos ng ilang isandaang libong yuan sa isang gabi. Kaya simula nung nakipagdate si Zhu Lingling sa second-generation na tagapagmana, si Deng Kai, madalas siyang isama nito sa mga gala nito sa lungsod.

Pero, hindi gusto ni Zhu Lingling ang mga kaibigan ni Deng Kai, dahil iniisip niya na masyadong kumplikado ang mga ito. Ang buhay ng mga mayayaman ay hindi kasing simple ng isang ordinaryong tao.

Ang mga buhay nila ay madalas magulo at hindi maipaliwanag at sa totoo lang, hindi talaga ganun kagusto ni Zhu Lingling si Deng Kai. Iniisip niya lang na mapagbigay ito at tinatrato siya nito ng maayos, kaya ayos lang sa kanya na makipagdate muna rito sa sandaling ito at wala rin siyang balak na pakasalan ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter