326 Ang Asawa niya ang Boss (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Tsk tsk… si Mr. Qin ay alam ang lahat katulad ng isang Diyos."

Hindi mapigilang ni Huo Mian na humanga sa talas ng isip ni Qin Chu. Lagi nitong nakikita kung ano ang nasa loob niya.

"Ano ang kailangan mo sakin? Sabihin mo."

"Wala naman. Kinukulit lang ako ng nanay ko na tumiraulit sa bahay. Syempre, ang pagtira ko ulit doon ay hindi makatarungan dahil kasala na tayo pero gusto ko manatili sa bahay ng dalawang araw para samahan sila ni Zhixin."

"Ayos lang." Tumango si Qin Chu.

"Payag ka?" Hindi inasahan ni Huo Mian na papayag kaagad si Qin Chu.

"Oo, manatili ka muna sa inyo ng dalawang araw. Bilhan mo ng maraming bagay ang nanay at kapatid mo. Kung wala ka ng pera, sasabihan ko ang Finance Department na padalhan ka."

"... hindi, ayos lang. Sapat naman ang pera ko. Iniisip ko ngana sobra ito."

Ang madalas gamitin na panggastos ni Huo Mian ay ang kanyang sariling sweldo, dahil ito ay tumaas simula nung na-promote siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter