290 Alam ba ng Nanay mo kung Gaano ka Kapalaban? (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kung ganito mo ako pakakainin, magiging sobrang saya ko." Pagkatapos ibaba ni Qin Chu ang tawag, tumingin siya ng seryoso kay Huo Mian.

Kaagad naging kulay kamatis ang mukha ni Huo Mian…

"Nasa kumpanya mo tayo. Hindi ba bawal ito?"

"Kumpanya ko ito at asawa naman kita. Anong mali rito?" Pagtutol ni Qin Chu.

Wala na namang masabi si Huo Mian…

Inaamin niya, hindi niya kayang panatilihin ang pagiging kalmado niya sa harap ni Mr. Qin.

Ang merienda ay matagal na naubos dahil sa walang katapusan nilang paglalambingan.

Nung namaga na ang mga labi ni Huo Mian mula sa paghalik, tinigilan na siya ni Qin Chu.

Pagkalabas niya sa opisina, yumuko si Huo Mian at mabilis na naglakad dahil sa takot na baka makita siya ng iba.

Nagulat siya nang biglang bumangga siya sa isang tao sa elevator.

"Sorry." Kaagad na humingi ng tawad si Huo Mian.

"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad." Eleganteng ngumiti si Jiang Linyue.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter