285 Alam ba ng Nanay mo kung Gaano ka Kapalaban? (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino ang nagsabi niyan? Sabihin mo sa akin, pangako hindi ko siya papatayin sa bugbog haha."

Iniisip ni Huo Mian na si Director Wu ay isang tapat na lalaki, kaya paano nila nagawang dungisan ang kanyang imahe?

"Ang iba siguro ay maniniwala sa chismis na ito, pero hindi ako. Ito ay dahil… para makaangat ako, sinubukan ko siyang akitin nung dumating ako sa South Side. Hindi nga lang ako nagtagumpay at muntikan na ring mapatalsik."

"Jusmiyo… ang tapang mo."

"Wala akong pamimilian. Dati kasi, ang anak ko ay may sakit at kailangan ng pera kaya desperada na ako. Pagkatapos malaman ni Director Wu ang sitwasyon ko, binigyan niya ako ng pera katuwang ang ospital at kinontak pa niya ang mga espesyalista sa larangang ito. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga ginawa niya para sa akin at yun ang dahilan kung bakit ako nanatili sa South Side hanggang ngayon." Halos mabilaukan si Song Lin habang nagsasalita.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter