764 A Vicious Woman (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 764: Isang Masamang Babae (5)

"Ginuhit ko ito, 'wag mo akong pagtawanan." Taos-puso ang ngiti ni Song Yishi.

Nabanggit ni Mayor Song kay Qin Chu na nag-aaral si Song Yishi ng sining sa Italy.

Maingat niyang binuksan ang scroll at nagulat siya sa kanyang nakita… 

Di tulad ng ibang tao na nagbalik bansa, hindi western style ang pagpinta ni Song Yishi. Hindi niya ginagawa sina Van Gogh at iba pang sikat na artista.

Purong Chinese-style na black and white ink wash ang kanyang pininta… 

Mayroong mga itim na mga sanga, nahulog na mga dahon, burol at mga bundok at isang maliwanag na buwan sa pininta niya.

Kumikinang ang lawa at mag-isang naglalayag ang barko. Mayroon din isang lalaking nakikipag-toast sa buwan.

Napakaganda nito... 

"Ikaw… ang nagpinta nito?" Medyo nagulat si Qin Chu. 

"Oo, mahilig akong magpinta ng Chinese-style element at ilang taon na rin akong nahihilig dito. Sabi nga ni daddy ay nababaliw na ako." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter