803 A Chicken that Can't Lay Eggs (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 803: Ang Inahin Na Hindi Kaya Mangitlog (4)

"Sure."

Kahit na ayaw ni Song Yishi ang ideya na isasayaw siya ni Huo Siqian, hindi siya pwedeng magmukhang yamot at wala siyang nagawa kundi tanggapin ang imbitasyon.

Hinawakan ni Huo Siqian ang mga kamay ni Song Yishi habang naglalakad sila papunta sa gitna ng dance floor… 

Bago ito, tiningnan ni Huo Siqian si Huo Mian nang parang may ibig sabihin, ang ngiti niya ay parang hindi mukhang ngiti… Parang may gusto siyang ipahiwatig.

Ito ang unang beses sa opinyon ni Huo Mian na naging cute si Huo Siqian.

Oo nga naman, tinulungan niyang alisin si Song Yishi sa harap niya… 

Gusto sana magpaalam ni Qin Chu kay Mayor Song para umalis, pero maganda ang mood nito at patuloy na nakikipag-usap tungkol sa business.

Kaya, wala siyang nagawa kundi umupo doon at pakinggan si Mayor Song; paminsan-minsan tumitingin siya kay Huo Mian, na umiinom ng champagne nang mag-isa sa hindi masyadong malayo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter