1 Chapter 1 - HEROES REALM

LADY C POV

" Hey guys.." bati ng bagong dating na may username na Heartthrob .

"Good thing your here." sagot dito ni Dangerous.

"Sorry I was late, got caught up with the school registration." paliwanag nito kung bakit kararating lang. Nabanggit nga nito ng nakaraan na mageenroll ito dahil malapit na magsimula ang panibagong school year.

"No worries man." It was Gwapito. "Your just in time." Isa rin sa mga kasamahan namin na mag bo-boss hunt.

Itong Boss hunting nila ngayon ay nakaplano na noong nakaraang linggo pa sa ganitong araw at ganitong oras para matulungan si Papable sa quest nito. 

"Nice." pasasalamat nya. "Who's party anyway?" Tanong nito kung kanino sya maaring sumali.

"Here Dude." Papable replied, na syang nagcreate ng party.

                Heartthrob request to join the party      

                Accept.                             Decline

At dahil nasa party kami ay nag appear din samin ang request notification  na kaagad naman inaaccept ni Papable. "Accepted." annonsyo nito.

"Thanks, man." Nang makasali ay agad na rin nito inattake and Boss.

They can talk freely dahil lahat sila ay naka mic on. Isa yon sa requirements ng Guild kung saan sila kasali lahat, na dapat laging on ang microphone ng mga guild members lalo na during boss hunt at Guild War.

"Hey C kanina ka pa?" baling nong bagong dating sakin.

The guy who come in just now is his one and only bestfriend in this game and in the real world. Sya si Cyder, ang babaero at sobrang immatured kung bestfriend since childhood.

At itong nilalaro namin ang sikat na MMORPG (massively multiplayer online role-playing game) sa bansa, ang Heroes Realm. Magiisang taon na rin naming nilalaro ito simula ng e-launch to sa bansa last year. Madami ang kaagad na nahook dito hindi lang dahil sa maganda ang story line, graphics at hero's kundi dahil na rin sa gawang pinoy ito. Dahil sa naging tagumpay nito, five months ago lang ay ni launch na rin ito sa ilang parte ng america, europe, australia at sa buong asia.

"Yeah." simple kung tugon habang walang tigil din sa pag atake sa boss.

"Kelan ba na late yan si C." sabat naman ni Macho. Kasama din namin sa party. They call me C, but my username is actually ladyC. Nakasanayan na lang nila na C ang tawag sakin.

"C, natutulog ka pa ba?" pang aasar ng napakatino kung kaibigan. Dinig ko naman ang tawanan ng mga kasamahan namin.

"Malamang hindi!" gatong naman ni Papable. "Kita mo nga, pareho na kami ng level." At tawanan na naman sila.

Ang max level kasi sa larong to ay 100 kaya naman sobrang pahirapan magpalevel. Si Dangerous at Cyder ay parehong level 86, 84 naman si Gwapito, 81 si Macho at pareho kaming 79 ni Papable. Kung tutuusin ay nauna silang maglaro sakin, nasa level 15 na si Cyder noon at hindi rin nalalayo ang level ng tatlo ng magsimula ako maglaro.

"Your always dead, kaya ang bagal mo mag level up." pambabara ko naman sa kanya na mas lalong nagpalakas ng tawanan.

"BURN!!!!" sabay sabay na sabi ni Cyder, Macho at Papable.

"Makatawa Macky." Sita ni Gwapito o Kevin sa real world kay Macho na syang pinakamalakas tumawa. "Di hamak na mas malakas sayo si Alex kung nagkapareho kayo ng level."

"San banda?." alma ni Macho na Macky ang totoong pangalan. "Ang weak weak nyan ni Lex kaya nga tayo nandito dahil kailangan pa nya ng tulong natin."

"Sasali nyo na naman ako, nananahimik ako dito." reklamo naman ni Papable o Alex.

"PK ko kayong dalawa eh" banta dito ni Macho.

"Lakas ka?" natatawang bawi naman ng dalawa.

Napangiti na lang sya sa kakulitan ng mga kasamahan. Sa halos isang taon nyang paglalaro ng Heroes Realm nasanay na sya sa kaguluhan ng mga kasama lalo na pag nagsama-sama ang apat. Si Heartthrob, Gwapito, Papable at Macho.

At talaga namang kapapansin ang kanilang mga mga username na pinagisipan masyado. Tatlong araw pa sila hindi natulog nyan kakaisip kung ano ang magandang pangalan. At yan nga DAW ang pinakasuitable na naisip nila na babagay sa kanila. Kung hindi ba naman mga self proclaim.

Nakilala nya ang tatlo sa game dahil kay Cyder. Sa labas kasi ng laro ay totoo silang magkakaibigan, maliban pa doon ay magkaka dorm mate din sila sa pinapasukang university. Hindi pa man nya nakikita ang tatlong sa personal, pakiramdam nya ay makakasundo naman nya ang mga to.

"Guys, last wave na." Paalala ni Dangerous ang isa pa naming kasama at syang Leader ng Guild namin, ang OMEGA.

"By the way, coming here I saw a couple of hero's just outside the lair." imporma ni Cyder.

"Any guild in particular?" tanong ni Dangerous.

"Demons." pahayag ni Cyder. "as usual."

"They're at it again." komento ni Macho.

"This low life bastard." bulalas ni Gwapito.

"What are we gonna do GL?" tanong ni Papable.

"Its obvious that they'll make their move once the boss near its end." siguradong pahayag ni Dangerous. "Gwapito & Macho, focus on the Boss, make sure to get the Last Hit. Papable, keep out from their sight. Us for the rest, go for a killing spree. If may makalusot, defensive stunt lang kayo Macho at Gwapito."

"Copy / Noted / Ok." sabay sabay naming sagot.

"Macky, buff please." Cyder requested. Papable being a Paladin class can buff and heal others. "Thanks man!"

" INCOMING!" Maya-maya pa ay sigaw ni Macho ng sabay sabay ng nagsipasukan ang ilang members ng Demon Guild sa lair.

At tulad nga ng instruction ni Dangerous, kaming tatlo ang naki paglaban sa kanila. Hindi naman mahirap patayin ang mga ito dahil karamihan ay mga low levels pa, madami nga lang sila kaya may nakalusot na umaatake kela Macho at Gwapito maging sa Boss.

Both Gwapito and Cyder are Ranger Type Hero, magkaiba lang sila ng class dahil Assassin si Cyder, Warden naman si Gwapito. Macho on the other hand is Knight type who's focusing on being Berserker class. Dangerous is in the classes of mystic warrior while her is a battle mage.

Looking at them, Dangerous and Heartthrob are now busy eliminating enemies. Gwapito and Macho looks like can hold on pretty well and Papable is no where in sight.

I look at the enemies infront of me, dalawa sila at hindi naman gano katataas ang level. I prepare my self, bago pa sila maka atake ay napindot ko na ang blink ability ko kaya mapunta ako sa likod nila. I immediately use my second skill which is static warps then throw them none stop ash runes na first skilll ko that leads to their death.

Blink is my special ability which allows me to teleport in a short distance.

Static warps is a trap to keep the enemies in one place for 5 seconds and during the duration they'll deal small DMGs (damages).

Ash rune,  its a skill that once you cast it'll immediately explodes dealing large DMG to the enemy. This skill has no CD(cooldown) once its reach its mastery kaya maaari mong itira ng sunod sunod.

For almost three minutes ganoon lang ng ginawa namin. Nang maubos ang mga nakapaligid sakin ay agad kung dinaluhan si Macho at Gwapito. Papable is already in sight para tumulong sa dalawa dahil halos andito na ang lahat ng mg kalaban since ilang tira na lang ay mamamatay na ang Boss.

Good thing about being a mage is that you can cast spell even at a long range. I throw my static warps at their direction, followed by the ash runes then hit them with my SS(super skill) Arcade Storm.

Arcade Storm is the rainfall of bolts that deal huge DMG to the enemy and monsters.

This three skills are my favorites, aside sa malalakas ang skills na to, ang AOE (area of effect) na sakop nito ay malakaw. Together with the blink, I kinda feel that Im invincible.

     The Saion Planet Dungeon is cleared, ladyC last hit slain the Devil King Mammoth. Congratulations to the party of Dangerous, Macho, Papable, Gwapito and ladyC. Big rewards await you!

This announcement is posted at the upper middle of the monitor in bold gold and glittering letters, enough for every player to see.

"Nice one C!!!" bati ni Gwapito, Macho at Papable.

"Nice." si Dangerous

"Bff ko yan." sabi naman ni Cyder.

Another notification appeared on the middle bottom of my monitor. This one is for me to see only.

                       

You been rewarded with Mystical Wine for defeating the King Boss Mammoth!

Maging ang world chat ay napuno ng congratulations para sakin at sa party namin. Nanghihingi pa nga ng balato ang iba.

DarkNight: Gratzzz

Ms.Chinita: Girl power!

Gino143: Omega strikes again!

MonsINC: Omega's finest.

TheJoker: Paburaot naman!

LiLmax: Bad ass C! Proud Omega here!

Ilan sa mga shout sa World Chat. But although the Boss has been killed that doesn't mean its over, yong mga natitirang Demons aim for Papable na naguumpisa ng mamulot ng drops. Clearly sya ang creator ng party kaya sya ang dapat patayin and if he died magiging free for looting ang mga drops ng boss.

"Keep going Papable." utos ni Dangerous. " Kami na bahala dito."

Dahil nakikipaglaban na rin si Macho at Gwapito, hindi na naging mahirap ang ubusin sila. Bago pa man matapos si Papable sa pagpulot ay naubos na rin namin ang mga Demons.

"Let's head back to the Omega House." deklara ni Dangerous. Nagkanya kanya na kaming teleport pabalik sa Saion Village gamit ang key wrap saka gumamit ng interplanetary ticket para makabalik sa Halla. Saka ulit ako gumamit ng key wrap para magteleport papunta sa Guild House namin.

Its a two story wood house. Upon entering bubungad agad sayo ang mga lantern na nakasabit, sa ilalim nito ang nakakalat na mga table and chair para sa mga members. Naroon ang isang bar na may mga high stool sa harap. Nasa gilid ang kusina at Cr. Sa taas naman ay ilang kwarto na pahingahan at ang opisina ng Guild Leader.

Ang Halla Village naman ang centro ng Heroes Realm kung nasaan ang karamihan sa NPC (Non player character), castle, arena at ang mga Guild Houses.

I enter our house at nandoon na ang apat, pinapaligiran na ng mga ka guild mates namin na bumabati at mga nakikiusyuso.

"Good Job C." dinig kong sabi mula sa likuran ko. It's Dangerous na kapapasok lang din pala.

"Thanks. Just my lucky day." sabi ko sa kanya saka naglakad papunta sa bakanteng mesa malayo sa kumpulan ng apat na kulokoy, naka sunod lang din sakin si Dangerous.

Luminous: Gratz C! Nice one GL! bati ng nakasalubong namin. Tinanguan ko lang sya, sinagot naman sya ni Dangerous ng Thanks. Saka kami nagtuloy sa isang table at naupo.

"Dangerous: What did you got?"

"Mystical Wine." i simply answered.

"Nice." he sounded happy.

"Yeah.."

"Do yo—.." he was about to say something but Cyder called me at palapit na rin sya sa pwesto namin kasama ang tatlo.

"Thanks Guys, I've completed my quest, ang dami pang rare items." sabi ni Papable ng makaupo.

"Don't mention it." sagot ni Dangerous.

"By the way C, " pagtawag ng pansin ni Gwapito sakin. "Your SS rocks."

"It just reach its mastery that's why." I said.

"Really?" parang hindi makapaniwalang sabi ni Macho.

"Uh-huh, I just focus my skill point to the three skills that I always use. I disregard the others since Im not using them." paliwanag ko sa kanya.

"Bat di ko naisip yon? Sana naka pag mastery na rin ako." dissapointed na sabi ni Macho. "I upgraded my other skills maliban sa lagi ko ginagamit."

"Duh, nagtataka ka pa ba?" banat dito ni Gwapito. "Wala kang isip kaya pano mo maiisip yon." na tinawana ng iba.

"If I know kung hindi ka level 84, i doubt kung mastery na rin ang skills mo." bawi naman dito ni Macho.

"Atleast mastery na ako ngayon. Bleeh!" parang batang sabi ni Gwapito. Mapapailing ka na lang talaga.

"Oh mag-mastery na rin ako, oh bakit?" ayaw patalo na sabi ni Macho. "Ito taga mo sa ingrown mo sa paa, lalagpasan ko yang level mo."

"Gago! Wala ako non, tumira ka pa sa paa ko."

"No, thanks!" tanggi ni Macho. " Gusto ko pa mabuhay ng matagal."

Buti na lang sumingit na si Papable kundi walang tigil na naman ang dalawa. " Speaking of classes, nakapagpa enroll kana Cy?"

"Yeah, kaya ako na late kanina kasi ang daming late enrollees. Haba ng pila."sagot ni Cyder. "Wait! Naka enroll ka na rin ba C?"

"I think so." kasi hindi ko rin talaga alam dahil sabi ni grandma, sya na bahala sa enrollment ko.

"Good."

"Yes! makikita ka na rin namin C!" excited na sabi ni Macho.

"Oo nga, puro lang kami nagbabase sa kwento ni Cy kung ano itsura mo." sabat naman ni Gwapito. "La naman kami makuhang matinong sagot."

"Don't freak her out guys." babala ni Cyder. "Baka hindi yan magpakita sa inyo."

"No way!" protesta ni Papable. "Pagbabalik-baliktarin namin ang RU (Ridgewood University) makita ka lang."

I heard Cyder laugh.

"Too bad Im not there." sabad ni Dangerous. "Sasama rin sana ako sa inyong huntingin sya."

"Layo mo kasi GL." dinig kong sabi ni Papable.

Nasa abroad kasi si Dangerous at doon nag-aaral. He said his name is Xavier pero never nya sinabi ang surname nya.

"Wala eh, ganoon talaga."naghinhinayang nya na sabi. "But if given a chance na makauwi dyan, I'll definitely meet you guys. Lalo kana C."

"Stop hitting with my bestfriend man." sita dito ni Cyder.

"And stop sounding like a jealous boyfriend dude."balik naman nito.

"Im not." depensa ni Cyder. "Im her bestfriend, natural lang na maging protective ako sa kanya."

"yeah, what ever you say." baliwalang sabi ni Dangerous.

"Oh tama na yan." awat ni Gwapito. "Mamaya PvP na naman ang ending nyan."

Ilang beses na nga bang nag clash si Dangerous at Cyder dahil sa kanya? Hindi naman sya manhid para hindi maramdaman na Dangerous is giving signs thats his interested in her kaya lang lagi itong barado ni Cyder. Being the bestfriend, kahit babaero at mongoloid pa ito ay pareho lang sa daddy nya sa pagiging protective.

Kaya para maiwasan ang mga ganoong encounter, she acted like she didn't care and never pay attention sa mga sinasabi at ginagawa ni D.

"I have to go." sabi ko sabay tayo.

"Where are you going?" tanong ni Cyder.

"I'll do my side quest."sagot ko.

"Do you need help?" offer ni Dangerous.

"Thanks but I can manage." tanggi ko. Pag sumama kasi to'y siguradong sasama din si Cyder at magiging taga awat lang sya ng dalawa.

"Buti nga!" masayang sabi ni Cyder. "Tara na!"

Nagtaka naman ako sa sinabi nya. "What are you saying?"

"Diba kasama ako?"pagtataka nya.

"I said I can manage." sabi ko sa kanya. I heard Dangerous chuckled.

"C naman eh." reklamo nito.

"Wag makulit Cy." i seriously told him. "I'll go now."

"Fine."he said defeatedly.  "But don't forget Im picking you up on the weekends, you promise mom you'll have breakfast with us."

"Hindi ko nakakalimutan." i assured him.

"Bye C!" chorus na paalam ni Macho, Gwapito at Papable.  Iniwan ko na sila doon at sinimulan na ang isang side quest.

Next chapter