9 The Third Condition

Lola's POV :

Pinapagmasdan niya lang ito habang hindi na ito makahinga sa kakatawa. Tanya niya ay may halo itong Koreano o Intsik dahil sa singkit ang mga mata nito. Halos hindi na makita ang mata nito sa pagkakatawa nitong iyon. Ito yung tipo ng lalaking pinagtitilian ng mga teenagers ngayon. Sa tangkad nito ay halos mabali na ang leeg niya sa kakatingala. Hindi mapagkakaila na sa loob ng fitted shirt na iyon ay ang maskuladong pangangatawan nito. Napalunok siya sa naisip na imahe.

Maghunos dili ka Lola!

Sinaway na niya ang sarili dahil baka kung saan pa mapunta ang paglalakbay diwa niyang iyon.

"Hindi ka pa ba tapos tumawa dyan? Sigurado akong sa mental na ang bagsak mo pagkatapos niyan", iritableng sabi niya.

"Sorry for that. But you're really serious with this?" Halos hindi na nito maibigkas ng maayos ang salita dahil sa pinipigilang tawa.

This guy!!!

Hinampas niyang maigi ang kutsilyo sa hinihiwang gulay. "Dead serious", tsaka binigyan ito ng nakamamatay na tingin.

Napansin niyang napalunok ito at halatang natakot sa itsura niya. Napangisi siya pero napawi din agad ang ngiti nito ng unti-unti itong lumapit. Napaatras siya ng lakad hanggang sa maramdaman ang malamig na semento sa likod niya.

"W-what do you think you're doing?" Halos pigil na ang paghinga niya dahil halos isang hibla na lang ang layo nito sa kanya.

Tinitigan siya nito sa mata habang seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.

Juice colored!

"I'm just curious about your third condition."

"W-what about it?"

Binigyan siya nito ng nakakatunaw na ngiti. "What will happen if I'm too close like this? What punishment will I get?"

Halos magdikit na ang mga ilong nila habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin rito. Nangangamba siyang marinig nito ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "I t-told you no physical contact Mister! Or else you'll... uhm pay me!"

Effective kaya ang naisip kong yun?

His eyes full of amusement. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Napasinghap siya. "If I touch you like this?"

"Ten thousand!!" Pinilit niyang maglabas ng tapang.

Geta hold of yourself Lola!

Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak nito ngunit nabigla siya sa sunod na ginawa nito. Hinaklit nito ang bewang niya at ngayon naman ay naka kulong na siya sa bisig nito. "How about a hug?"

"Aba't! You b-better remove your hands or the payment will be doubled!" Tila gusto ng matunaw ng mga tuhod niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

He smirked. "That won't even give any harm on my wallet. How about if I did more than that? Hmmm..."

Dahan-dahan nitong inalis ang salamin niya sa mata. Napalunok siya sa narinig.

"How about a... kiss?" Unti-unting lumapit ang mukha nito.

Nanlaki lalo mga mata niya. Halos mablanko na ang isip niya. Para siyang ipinako sa kinatatayuan.

Oh God!

Ipinikit na lang niya ang mga mata niya para sa susunod na mangyayari.

Nang wala siyang maramdamang lumapat sa kaniya. Unti-unti niyang iminilat ang mga mata niya. Wala na ang lalaki sa kanyang harapan. Nakita niyang hawak na nito ang papel na ibinigay niya at pinipirmahan.

"Uhm.. W-what.."

He smirked again. "Based on your reaction I will definitely NOT do anything to you." Akma na itong aalis.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Huminto ito at bumaling sa kanya. "Your reaction is what an inexperienced girl will do. You are a 100% virgin. And exactly not my type." Tsaka ito tumalikod.

Naiwan siyang nakatanga na naman s kawalan hanggang mawala na ito sa paningin niya.

"W-what?! V-virgin?!" anas niya. Hindi niya mapigilang humiling na sana'y kainin na lang siya ng lupa dahil sa pagkapahiya na nararamdaman niya. Ilang sandali pa saka siya nagpakawala ng malakas na sigaw.

"I hate you stupid arrogant jerk!!!!!" Inilabas niya lahat ng inis sa sigaw na iyon.

*>_<**

avataravatar
Next chapter