webnovel

2nd Night Together

Lola's POV :

"Hey! What are we going to do?", pabulong na wika niya. Hinila niya ito sa isang sulok hawak hawak ang kwelyo nito.

"Bitawan mo muna kaya ako?" Hinawakan nito ang kamay niya at inalis sa pagkakahawak niya. .

Inirapan niya ito. "Ikaw kayang nasa kalagayan ko?"

Napabuntung-hininga ito tsaka siya tinitigan. "Let's have a deal then."

"Ha?"

"Let's pretend for the mean time."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Lalong lumalim ang pagkakatingin nito sa kanya kaya't bahagya siyang nailang. "What I mean is... We'll pretend as lovers and you'll be the kid's mom "

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "What?! I'll be your uhmf---!" Tinakpan nito ang bibig niya gamit ang kanang kamay nito.

Biglang tumikhim ang matandang babae na nagpaalam na pupunta sa banyo. Para silang itinulos sa kinatatayuan.

"Is there anything wrong here?"

Bigla siyang kinabig papalapit ni Brad. Inakbayan siya nito habang haplos haplos ang balikat niya. Bigla siyang nakaramdam ng panghihina.

"No Granny! We're jusy having a conversation right Honey?"

Honey? Pinandilatan siya nito na parang ipinararating na sumakay na lang siya. Hindi pa rin niya makalma ang nginig ng katawan niya sa pagkalapit nilang iyon.

"Ah eh... O-Opo. Naglalambingan lang po kami ng Honey ko", sabay ngiti ng matamis dito.

Ngumiti naman ang matanda. "Mabuti naman. Siya nga pala, habang inaayos ni Brad ang trabaho niya dito muna ako maglalagi. Sasamahan ko sa kwarto ang apo ko pansamantala."

"Ganun po ba? Doon na lang po ako sa may sofa matutulog", wika niya.

Tumingin ito kay Brad. "Aren't you going to let her sleep in your room Brad?"

"P-Po?"

Matagal bago nakasagot ang lalaki. Hindi pa yata rumerehistro dito ang tanong sa utak nito. Siniko niya ito.

"W-Well, she can stay there."

Ano daw?! Nakuuuu!

"It settled then, makikipag laro muna ako sa cute kong apo. Maiwan ko muna kayo." Excited itong tumungo sa kwarto kung nasaan si Angel.

Tiningala niya ito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?"

Nagmaang maangan ang mukha nito. "What? It's not our first time we sleep together right?"

Hinampas niya ito. "Baka nagkakalimutan tayo kung sino ang may kasalanan noon."

Hinimas nito ang parte kung saan nag landing ang kamay niya. "Ouch! Gawa ba sa bakal yang kamay mo?"

"Hindi lang yan aabutin mo kapag nagkamali ka ng kilos okay?"

Nagkibit balikat lang ito at hindi sumagot. Nahampas niya uli ito sa braso.

"Oo! Oo na!"

"Mabuti na yung malinaw", ani niya dito.

Ano nang mangyayari samin nito?

Next chapter