webnovel

Chapter 2: Meeting You

Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso sa bawat hakbang nitong hagdanan pag-akyat sa may patio ng kanilang tahanan. Nakabukas ng maluwang ang kanilang front door.

Tumitig siya sa dalawang lalaking nakasuot din ng black suit na nakatayo sa front door at agad na yumuko ang mga ito bilang paggalang sa kaniyang pagdating.

Pumasok siya sa loob ng bahay at dalawa pang lalaki ang nakita niyang komportabling nakaupo sa mahabang sofa; ang isa ay umiinom ng kape at ang isa naman ay beer. Tumayo ang mga ito pagkakita sa kanya at yumuko. Wari siya'y mahihilo sa mga nangyayari ng mapansin niya ang isa pang matangkad na lalaki pababa ng hagdan mula sa second floor nitong bahay.

"Sino ka? Kayong lahat? Sino kayo? Nasaan ang auntie Lydia ko?" Demand niyang tanong sa mga ito. Nagsimula siyang makaramdam ng takot na baka ay may ginawa ang mga ito kanila. Ikinulong kaya sila sa isa sa mga silid? Nakagapos at nakatakip ang mga bibig? Tanong niya sa kanyang sarili.

"Umupo ka," utos nung lalaki na kakababa lang ng hagdan.

Tumitig si Cassie dito at wari'y nanghihina ang kanyang mga tuhod. Dahan-dahan siyang umupo sa kalapit na sofa at ipinagdaop ang kanyang mga palad ng mahigpit. Papatayin kaya nila kami? O baka naman ay may gagawing--? Nagsimula na siyang mag-panic at nag-iimagine ng kung anu-ano sa loob ng kanyang isip.

Ang lalaking mukhang boss ng mga ito ay umupo sa tapat niya. Sa paraan nito sa pagkakatitig sa kanya ay para siyang nilalamon nito ng buo. Malamig na pawis ang rumaragasa sa kanyang katawan at mapapansin ang kanyang pagkabalisa. Manaka-naka siyang sumusulyap sa dalawang lalaking nakatayo sa likuran nito na wari mang blanko ang mga titig ng mga ito sa kanya, ngunit hindi niya maii-tanggi ang presensya ng dalawa.

Shun's POV

Naglakad-lakad si Shun sa itaas na bahagi ng Villa. Binubuksan niya ang bawat pintuang naroon upang suriin ang loob ng mga ito. Ngumiwi ang kanyang labi pagkatapos mabuksan ang isang malawak na silid na puno ng mamahaling mga gamit, at ang isang silid naman ay nagkalat lamang ang mga branded na damit, mga sapatos at mga bag sa sahig at bawat sulok ng silid na iyon.

Ang huling silid sa gawing gilid ay nagpapakita ng simpleng kulay ng pintura. Napasingap siya sa paghanga ng makapasok sa loob niyon. Ang laki nito ay katamtaman lamang ngunit makikita ang maiging pagaalaga sa silid na iyon. Malinis ito at nagbibigay ng positive vibes. Binuksan ni Shun ang sliding door sa maliit nitong veranda at nilanghap ang sariwang hangin mula sa dalampasigan. Ang dagat ay napaka-kulay asul ngayong tanghaling tapat.

Napansin niya ang isang family photo frame sa ibabaw ng antique na dresser. Kinuha niya ito at maiging tinititigan, makikita ang kasiyahan ng mag-anak habang kinukuhanan ng litrato na kahit ang batang lalaki sa gitna nung mag-asawa ay matamis na nakangiti habang karga ang isang batang babae.

Nararamdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cell phone kaya inabot ni Shun ang bulsa at sinagot ang tawag.

"Boss, nandito na po siya," pagbibigay-alam ng isa sa kanyang mga tauhan sa labas ng bahay.

"Okay," sagot niya at pinatay ang telepono pagkatapos. Sa isa pang pagkakataon, inilibot ni Shun ang mga mata sa buong silid na iyon bago lumabas.

Pinagmasdan niya ang pagpasok ng dalaga sa loob ng bahay, napansin niya na para itong tense lalo na nung nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Pagkatapos, nagsimula na itong magtanong sa kanila na para bang sila ay mga kriminal.

"Wala kang dapat ipag-alala," hayag ni Shun sa dalaga upang kumalma ito. "Wala na ang iyong tiyahin at anak nito."

"Patay na sila?"

Gulat at takot ang makikita sa kanyang mukha na muntik ng magpahalakhak kay Shun dahil sa hestirikal nitong reaksyon. Naa-amused siya dito.

Sina Rudolf at Daichi naman ay tumingin sa isat-isa at gayundin, pinigilan ang sarili na matawa. "Ahem!"

"Cassie, mabuti naman at nandito ka na. Maligayang pagdating," bati ni Ling sa kaniya sabay lapag sa tasa ng kape sa harapan ni Shun.

"Auntie Ling!" Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang ginang. "Bakit po kayo nandito? Hindi po ba kapapanganak lang ng iyong anak kahapon?"

"Oo, isang malusog na batang lalaki," sagot ng ginang at ngumiti. Makikita ang tuwa at proud na isa na siyang lola. "Ngunit tumawag ang iyong tiya nitong napaka-aga dahil may mga bisita daw na darating at nais niyang magpahanda ng maraming pagkain."

Humigop ng kape si Shun bago nagsalita ulit. "Meron akong nais na idiscuss sa iyo, kaya makinig ka ng mabuti dahil mahalaga ito," aniya pagkatapos.

"Una, ako o kami, hindi namin pinatay ang tiyahin mo tulad ng kung ano iyang tumatakbo sa imahinasyon mo.

"Ano?" Tumawa si Ling sa narinig. "Mas gusto ko nga na mangyari iyan," sabi nito.

"Auntie Ling!" Alam ni Cassie na hindi maganda ang trato nang tiyahin sa kaniya ngunit hindi naman siya nag-iisip ng masama laban sa mga ito.

"Oh sya, hindi ko na karapatan na panghimasukan ang bagay na iyan. Babalik muna ako sa kusina at kukuhanan kita ng maiinom," paalam nito kay Cassie at hinayaan silang magpatuloy sa pag-uusap.

"Sabihin niyo, ano ba talaga ang nangyayari dito?" Tanong niya ulit.

"Alright, I'll make it all straight. Nabili ko na ang lahat ng iyong properties."

Nagulat sa masamang balita, marahas na napatayo si Cassie mula sa sofa, "At sino ang nagbigay pahintulot na mangyari iyan? Kahit na 17 pa lang ako, ngunit walang sino man ang may karapatan na ipagbili ang mga properties ng family ko!"

Lumingon si Shun at tumango kay Rudolf. Inilapag nito ang limang folders sa coffee table.

"Ito ang mga dokumento na nagsasaad ng maraming beses na pagsangla at malalaking loans sa maraming bangko ng iyong tiya. As collaterals, ang lahat ng lupain kasama ang bahay na ito ay pagmamay-ari na ng banko at ka bibili lang ng aking boss sa araw na ito."

Malaki ang kanyang pagkagulat at hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig.

"Alam mo bang ang lahat ng ito ay kagagawan ng iyong aunt Lydia? Nagawa niyang legal ang lahat ng kanyang transaksyon at marami dito ay aprobado ng iyong uncle Martin," pahayag ni Shun.

Parang may mga bomba na pinasabog sa kanyang harapan. Paano nagawa ito sa kaniya? Nagtiwala siya sa kanyang tiyohin. Kaya ba ito laging humingi ng tawad hangang sa huling hininga nito?

Alam ng kanyang uncle Martin kung gaano kahalaga ang mga ito sa kaniya bilang mga ala-ala mula sa kanyang namayapang mga magulang.

Ang lupang iyon, inialay ng kanyang mga magulang ang kanilang buhay sa pagtatanim ng mga puno sa palibot ng bulkan. Nakalakihan niya at naging saksi kung gaano ka saya ang mga ito sa pag-aalaga ng lugar. Isa na itong man-made forest sa ngayon at ang mga punong prutas ay palaging hitik sa bunga.

Hindi niya pinigilan ng tumakbo ang dalaga paakyat sa itaas patungong silid nito.

"Oh, anong nangyari?" Tanong ni auntie Ling, dala ang isang fruit shake para kay Cassie. "Kung ganoon, alam na niya?"

"Aakyat ako para kausapin siya," boluntaryo nitong saad.

"Ayos lang po, Ginang… alam kong bababa rin siya mamaya upang magtanong pa tungkol sa maraming bagay," aniya.

"O sige, malapit ng maluto ang tanghalian ninyo, tatapusin ko lang ang paghahanda. Maraming silid-tulugan sa bahay na ito, malaya kayong pumili kung saan ang nais ninyong pamalagian."

"Ay naku, nakalimutan ko," napatampal sa noo ang ginang. "Kayo na po pala ang may-ari sa bahay na ito, boss," aniya at napatawa. "Sabihin niyo po kung aling silid ang nais ninyo at lilinisin ko po sir."

"Naku, ayos lang po, ang paghahanda ng aming pagkain ay malaking tulong na po sa amin. Kami na po ang bahala sa bagay na iyan," ani ni Shun sa ginang. Nag-thumbs up si Daichi bago sumaludo at yumukod naman si Rudolf upang ipahiwatig na wala siyang dapat alalahanin ukol sa kanila.

"Kung ganun ay hindi ko na ipagpilitan," mainit na ngiti ang iginawad nito sa kanila. "O nga pala, auntie Ling na lang ang itawag niyo sa akin. Darating na rin ang asawa ko maya't-maya lang, sabihin niyo lang sa kanya kung may ipapagawa kayo o kaya'y iutos sa amin."

Tumango ang tatlong lalaki at nagpasalamat sa mainit nitong trato sa kanila na parang sa isang ina.

Medyo mahirap talaga mag translate ng English to Tagalog kesa Tagalog to English... hehehe... pero maraming salita ang magagamit sa detalye ng bawat scenes. ?

Elise_Ellenethcreators' thoughts
Next chapter