1 My Special Valentine

Papasok pa lang si Tracy ng namataan niya agad ang mga kulay pula na hugis puso nagkakalat sa loob ng campus nila, natutop niya ang kanyang bibig sa mga nakikita. Comm'on Tracy are you surprise? Ani ng isip niya. When she enter the campus. Her eyes widen every corner because of a heart -shaped-balloon. Mga bulaklak na hawak hawak ng mga estudyante. Mga magkasintahan nagkalat sa mga iba't ibang booth, may de-date sa ibang parte ng campus. Napangiwi siya, marami pa rin talaga naniwala sa mahika ng pag ibig pero hindi na siya kabilang doon.

Nagpawala siya ng hangin. Mali yata ang napuntahan niya at sana'y hindi na siya pumasok ngayong araw. Nakalimutan niya pala na  araw ng mga puso ngayon dapat nasa bahay lang siya ngayon ang magmukmok. May naalaala lang siya sa tuwing dumating ang valentines day. Maraming nagkalat ng mga booth isa dun ang tumawag ng pansin sa kanya ang wedding booth na pinangungunahan ng bestfriend niyang si Nikka sa pag oorganisa. Napaurong siya saglit at nanuod ng fake na kasalan, natawa pa siya sa sarili nang nakita niya ang babae na tili ng tili dahil sa kaharap nitong groom, napailing nalang siya. Babae talaga kapag gwapo halos nalang gawin santo upang sambahin. Umalis na siya roon hindi siya interesado mapabilang sa mga babaeng nababaliw dahil sa lalaki not because she is bitter but Valentines is a normal day for her. Para sa kanya may sumpa yata ang pag ibig dahil lagi siyang nasasaktan nito.

Hindi pa man siya nakalayo ay may naghila sa kanya nang tiningnan niya ito ay si Nikka na nakangisi pa. There she is her matchmaker bestfriend, daig pa si Kupido sa galing na magpana. Nikka is a cupid matchmaker for her and Josiah, Nikka's beloved cousin. Walang bukang bibig ang matalik na kaibigan kundi ang pinsan nitong si Josiah, Hindi gusto ni Tracy ang ideyang 'yon. Walang mapapala ang kaibigan niya dahil hindi na siya naniniwala sa pag ibig na wagas dahil para sa kanya ang pag ibig ay isang sumpa nang iniwan at sinaktan ng dating nobyo. After Tracy have a traumatic failed love relationship with Sean. She never love again. Dahil takot na siyang maging talunan ulit. Takot na siyang matali sa taong hindi siya kayang panindigan. Takot na siyang gamitin. Inshort, she is affraid to love again for the second time around. Never.

Tracy learned that love comes along in a right place and in a right time.

Napabalik siya sa realidad ng hinila siya ni Nikka papuntang wedding booth. Napamulagat siya sa nakita, The man standing inside of the Wedding booth is Josiah. "Nikka? Anong sa tingin mo ang ginagawa mo? Stop it! Bitawan mo ako uuwi na ako.?" pagpupumiglas ni Tracy pero mukhang determinado si Nikka na ipasok siya sa wedding booth. "Happy wedding day bestfriend." anito at sinuotan siya ng puting bestida at nilagyan ng kunting make up sa mukha gayundin si Josiah binihisan ito ng barong tagalog at pagkatapos ay lumabas na. Sila nalang dalawa ni Josiah ang naroon. Tumingin siya sa mga kapwa estudyante na nagkukumpulan para tunghayan ang kasalan na 'yon. Nakita niya ang seryosong mukha ni Josiah, mas lalong lumakas ang pintig ng puso niya dahil sa lapit ng binata halos pagdadaiti na ang kanilang katawan. Sinong hindi? Lolokohin niya ang kanyang sarili kung sasabihin niyang hindi siya attracted sa binata. For god sake, she is with Josiah the campus heartthrob. Josiah smile at her, and mouthed "Happy Valentines day Tracy"  her heart beats faster and trembling. Parang mga tambol ang nasa loob ng puso niya sa lakas ng pintig. Parang may paruparu na nasa kanyang tiyan nagliliparan. "Ikaw babae tinatanggap mo ba si Josiah Angeles na maging asawa mo?" parang mabingi siya sa hiyawan ng estudyanteng nanuod sakanila saglit lang naman 'yon at tahimik ulit. Kita naman ni Tracy sa gilid ng mata na tumingin si Josiah sa kanya. Tulad ng mga nanuod ay parang inip na inip na naghihintay si Josiah sa kanyang sagot. "I….. I do father." sagot niya, naghiyawan ulit ang mga kapwa estudyante sa kanyang sagot.

   "Ikaw lalaki tinatanggap mo ba bilang kabiyak si Tracy Yuson sa panghabang buhay na pagsasama sa hirap at ginhawa sa walang hanggan na pag iibigan?" baling na tanong ng pari kay Josiah, kita na naman niya ang tingin na pinukol sakanya ng lalaki bago ito sumagot. "Yes, father I—do" nagpapalakpakan at hiyawan ng nanuod ang kanilang narinig. "I am prounounce you husband and wife, you may now kiss the bride" anunsiyo ng pari.  Huli na na realize niya na may halikang magaganap dahil mabilis pa sa kidlat na sinikop ang labi niya ni Josiah. It's just a quick kiss but it marked on her. Si Josiah ang first kiss niya. Hiyawan at palakpakan  na naman ang kanyang narinig. Kasabay pa sa pag tambol ng puso niya sa lakas ng pintig ng naghiwalay ang labi nila.

Tracy shrugged her head, and run away pero hindi pa siya ulit nakalayo ay may humawak na naman sa braso niya nang tiningnan niya ay si Josiah pala. "Tracy—" hindi pa man nakapagsalita ang binata ay nasampal na niya ito. "What? Don't play with me Josiah, I am not interested to belong with your list of girls!" singhal niya dito, She can't be fall again if she will end up crying. She can't. "No. Tracy, you are not! I'm serious, I like you since then" napanganga si Tracy sa sinabi ni Josiah, ginagap nito ang kamay niya at  nilagay sa dibdib. "Please, maniwala ka naman oh please?." anito at lumuhod ito sa harao niya parang hiniwa ang puso niya sa ginawa ng binata, kusang tumulo ang luha niya,"I am sorry Joshia, I have my priorities now. I have my dream and I want to fullfill of it. Maybe someday our love meant to be. Kung totoo 'yang naramdaman mo bumalik ka sa mismong araw na 'to." she saw Josiah eyes sincerely hurt but she don't have nothing to do with it, totoo naman kasi ang sinabi niya may panahon sa pag ibig. Sa ngayon kailangan niyang tapusin ang pag aaral dahil ayaw niyang sayangin ang pera ng kanyang ina, gusto ni Tracy na makatapos para makatulong sa ina, wala na siyang ama dahil sumama ito sa ibang babae kaya sila nalang dalawa ng kanyang Ina. "Mahal mo rin ako diba? Okay. I will wait that time Tracy and if that time comes, I hope you will gonna say yes" anito na nahihirapan. Napakunot ang kanyang noo sa sinabi nito sa huli. "Mark your words."  dagdag pa nito.

Papasok palang si Tracy sa mall ng pinagtrabahuan niya bilang isang manager ay nakita niya agad ang mga kulay pula sa iba't ibang departamento ng mall. Napahilot nalang siya sa kanyang noo, nakalimutan na naman niya na valentines day ngayon. Parang dejavu sa kanya, naalala na naman niya si Josiah, mula nang araw na nagtapat ang binata ay wala na siyang nabalitaan dito. Naumpog siguro ang ulo nito at na realize na hindi siya mahal. Gustuhin man niyang kamustahin ito kay Nikka pero nawalan siya ng lakas at baka may asawa na din si Josiah kaya kinalimutan na niya ito. Mukhang napag iwanan na siya ng panahon sa pag ibig kahit araw ng mga puso ay nakalimutan na niya. Nang nakapasok na siya, mga empleyado sa mall na masiglang bumati sa kanya ang bumungad at may nagbibigay pa ng isang pumpong bulaklak sa kanya.

"Happy Valentines Day Ma'am"

"Happy Valentines Day"

"Happy Valentines Day Miss Yuson."

Nakangiti siyang tumugon dito. Every valentines day ay ito ang nadatnan niya, parang binabalik siya sa nakaraan. Limang taon na pala ang lumipas pero parang kahapon lang yata nangyari at presko pa sa kanyang isipan ang pangyayaring hinding hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Nang grumadwet si Tracy ay agad siyang nag apply ng trabaho. Sinubsob niya sa trabaho ang sarili kahit sa sariling kaligayahan ay hindi niya pinagtutounan ng pansin. Wala siyang oras para sa buhay pag ibig niya. Minsan sumasagi sa isip niya ang binitiwan niyang salita noon sa lalaki na bumihag sa kanyang puso.

  "Tracy may nagpapabigay sayo." bungad ni Nikka na nakaturo ang nguso sa isang boquet na nasa mesa. Ilang beses na siya nakatanggap ng mga bulaklak tuwing Valentines day. Minsan kinilabutan siya sa naiisip baka isa itong stalker niya at lagi siyang sinusundan. "Creepy"

Kinuha niya naman ito at tiningnan kung may sulat na nakasukbit. May sulat nga na nakasukbit sa bulaklak. "Happy Valentines day I will see you at 7 pm tonight" ang nakalagay sa sulat, Naguguluhan siyang sinipat muli ang nakasulat doon. Wala naman siyang inaasahan na isang date ngayong gabi.

Tiningnan niya ang kanyang relo, 30 mins.  Before 7 ang bilis naman yata umikot ng oras ngayon. Dali dali siyang nag ayos sa kanyang mesa. "Ang bilis ah parang kidlat. Iba talaga kapag may nag aantay sa baba" ani Nikka at kinindatan pa siya. "Baba? Sinong nasa baba?" Hindi na siya pinansin ng kaibigan. Kaya umalis nalang siya.

Nang nakababa si Tracy ay agad niyang nakita ang tinutukoy ni Nikka, may naghihintay nga sa kanya sa lobby dahil ng namataan siya nito ay tumayo ito at lumapit. Parang ayaw maniwala ang kanyang sarili sa nakita sa kanyang harapan. Mas lalo itong gumwapo at naging mature sa suot nitong business suit. "Ikaw?" tanging sambit ni Tracy at tumawa ang lalaki, kita ang dimples nito na laging nakikita kapag tumatawa ang ito. "Happy Valentines day Tracy" anito sabay yakap sa kanya. Naging emotional si Tracy na gumanti ng yakap dito. Nabasa yata ang suot nito dahil sa luha niya. "You're here" aniya.

Napasinghot pa siya ng kumalas sa yakap ni Josiah, "Ayaw mong maniwala? Remember the day I confessed? Tinupad ko ang sinabi mo Tracy na bumalik at mismo sa araw ng Valentines, tinupad kong iwasan ka kahit mahirap dahil  may priorities ka, na may pangarap ka kaya hindi kita ginambala noon. Hinayaan kita gawin ang gusto mo dahil humawak ako sa sinabi mo noon at ngayon maniningil na ako sweetie, mahabang panahon na ang binigay ko sayo sana'y tuparin mo rin ang hiling ko." tunog ng violine ang umagaw sa pansin ni Tracy, lumingon siya at nakita niya ang heart-shape-balloon  na hawak ng ilang mga taong naroon na may mga letrang "Will you marry me" napahawak si Tracy sa baba at umiyak na ng tuluyan.

Hilam ng luha nang bumaling ulit siya kay Josiah na nakaluhod na ngayon at may pulang kahitang hawak. Taas baa ang kanyang balikat dahil sa iyak, "Will you be my wife" walang atubiling tumango siya. "Yes—yes Josiah I will marry you" madamdaming sambit niya dito. Tumayo ang lalaki at iniikot siya. Kita niya ang kasihayan sa mukha ni Josiah. Pumapalinlang ang palakpakan sa at hiyawan sa mga tao na nandun pati si Nikka ay umiiyak ito na nangingiti.

For now, she is ready to love again she ready to accept Josiah's love perfectly. She is ready to say yes for his love. Everything is in a right track for her. Hindi na siya takot magmahal muli. Dahil alam niyang mamahalin siya ng buong buo ng lalaki na nasa harap niya. She is willing to grow old with Josiah at kung totoo man ang buhay na walang hanggan sa ibang mundo ay pipiliin pa rin niyang makasama ito.

"I love you My Valentine"

"I love you too Josiah"

"May tanong ako" aniya tumingin naman ng seryoso ang binata sa kanya. "Ikaw ba ang pakana ng pagpadala ng bulaklak sa tuwing valentines day?"

"Yeah sweetie, Mahal na mahal kita kahit sa lihim ay maiparamdam ko ang pagmamahal ko sayo" napamulagat siya sa narinig, Tracy is surprise totally. Akala niya ay nakalimutan na siya ng lalaki.

Siniil niya ng halik ang binata at tinugonan naman nito 'yon. Nabali ang paniniwala niya na ang pag ibig ay isang sumpa sa kanya, dahil ang pag ibig ay dumating ng hindi inaasahan, darating ito sa tamang oras at panahon.

avataravatar